Chapter 11

33.1K 366 5
                                    

KINAUMAGAHAN AY tirik na tirik na ulit ang araw na parang hindi umulan buong magdamag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KINAUMAGAHAN AY tirik na tirik na ulit ang araw na parang hindi umulan buong magdamag. Nag-check out kami agad ni Micko sa Motel para umuwi na. Siguradong nag-aalala na sila Mama sakin, pero nai-text ko pa naman sila kagabi at sinabing okay naman ako at h'wag na silang mag-alala pa sakin.

Dumaan rin muna si Micko sa drive thru para bumili nang breakfast at coffee namin. Sa parking lot nalang ulit kami kumain para hindi na kami matagalan sa pag-uwi.

Ayaw ko nga ring masyadong lumapit sakanya simula pagka-gising ko dahil naco-conscious ako at hindi pa ako nakakapag-toothbrush simula kahapon. Hindi pa rin ako nakakaligo kaya pakiramdam ko ang baho at dumi ko na. Mabuti nalang at natuyo na iyong bra at dress ko kahapon kaya iyon na ang suot ko ngayon at mukha na ulit akong disenteng tignan. Samantalang siya, parang kahit isang liggo hindi maligo e mukha pa rin siyang fresh.

Ang unfair lang!

Wala naman nangyari samin kagabi – hindi sa nag-eexpect ako or what, pero natulog lang kaming magkatabi paglipat namin sa kwarto niya and he spooned me until the morning shines... And when I open my eyes, I am back in my reality.

This is the second time that I stayed with him from dusk to dawn... but I also know that I'm only with him because of my job and nothing else more.

I shouldn't expect more. Because this is nothing but a stripper–customer relationship. I am getting paid to do everything that he wants, and I should know that there is a line between us that separates his world from my world.

He is out of my league and he is unreachable...

Hindi dapat ako umasa sa bawat kilos na ginagawa niya sakin. Hindi ko dapat bigyan nang ibang kahulugan iyong mga sinasabi niya sakin.

"Salamat ulit sa paghatid, Micko." sabi ko sakaniya nang tumigil siya sa kanto.

Kitang-kita ko ulit iyong mga mata nang mga kapitbahay namin na nakamasid at tanaw samin. Minsan nagtataka ako kung wala ba silang pinagkaka-abalahan sa buhay kaya ang dami nilang time para maki-chismis sa buhay nang iba.

"No problem. I really had fun yesterday," he replied. I gave him one last smile before taking off my seatbelt.

I was going to open my door when he stopped me by grabbing my arm. Napalingon ako ulit sakaniya.

Ilang beses bumukas iyong bibig niya na parang may sasabihin pa siya sakin pero hindi niya matuloy-tuloy.

"Ingat ka sa pag-uwi." sabi ko nalang bago ako tuluyang lumabas nang sasakyan niya. Hindi ko na siya hinintay na makaalis at naglakad na ako pauwi ng bahay.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad kahit na ramdam ko iyong mga mapanghusga nilang tingin sakin.

"Hoy Lindsey! Jowa mo ba 'yon? Mukhang naka-bingwit ka nang mayaman, ha!" sigaw ni Joana – isa sa mga chismosa naming kapitbahay.

Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon