Chapter 37

17.6K 209 3
                                    

"SWEETHEART, SAY bye to your Lolo't Lola, and Tita na," I told my son, and he waved them goodbye before I put him in his car seat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SWEETHEART, SAY bye to your Lolo't Lola, and Tita na," I told my son, and he waved them goodbye before I put him in his car seat.

Binalikan ko sila Mama at Papa at hinalikan sila sa pisngi bago umalis.

"Mag-iingat kayo doon ha," Mama said.

"Opo Ma. Ingat rin po kayo dito. Pa, iyong gamot mo ha huwag kalimutang uminom," paalala ko.

"Ate baka masundan bigla si Chale," Jella said, at agad siyang hinampas sa balikat!

"Iyang bibig mo, Jella!" saway ko at tinawanan lang niya ako.

Nagulat ako ng yakapin ako ni Papa. "Gawin mo kung anong magpapasaya sayo anak. Basta nandito lang kami parati sa tabi at susuportahan ka namin sa gusto mo, Iyon lang ang hiling ko para sayo. Gusto kong maging masaya ka."bulong ni Papa sakin.

Nag-drive na ako paalis after kong magpaalam sakanila. Ngayon kami pupunta sa Beach. Itong sasakyan ko ang gagamitin para mas malaki kaysa sa kotse ni Micko kaya ako ang susundo sakaniya. Binigay niya sakin iyong address kung saan siya nakatira ngayon at nagulat ako ng sa isang maliit na bahay ako dinala ng address.

Nagtaka ako at dinouble check ko iyong address sa GPS app ko at tama naman iyong nilagay ko. Tatawagan ko na sana si Micko para itanong sakaniya kung tama ba 'tong address na binigay niya ng makita ko siyang lumabas sa pintuan ng bahay kung saan ako naka-park.

I went outside my vehicle. "Hello," I said to him.Napatingin ako sa bahay kung saan siya lumabas.

He gave me a small smile. "This is where I live now," he said.

I don't know what to say to him. Sobrang liit ng bahay na tinitirhan niya kumpara sa mala-mansyong bahay ng magulang niya at sa condo na tinitirhan niya noon. Anong nangyari kay Micko at sa pamilya niya? Wala ring nabanggit si Jayden sakin tungkol sa pamilya nila dahil mas pinag-usapan namin iyong tungkol sa asawa niya.

Napansin ata ni Micko iyong nagtatakang itsura ko. Mahina siyang tumawa.

"I will explain everything to you later," he just said before he put his bag on the back of my vehicle. Kaya ba naging iba na rin iyong kotse niya? Dati Range Rover pa iyong sasakyan niya na alam kong mahal.

Si Micko na ang nag-drive papunta sa Beach na pupuntahan namin. Sabi niya sa Batangas kami pupunta.

Hindi sumagot sila Mama at Papa sa tanong ni Micko noong isang araw kung pwede raw ba niya akong ligawan ulit ang dahil sagot ni Mama ay nasa sakin na ang desisyon kung magpapaligaw ba ako ulit.

Nagulat ako dahil sa sinabi ni Micko pero mas nagulat ako sa sinabi ni Mama. Pero tama naman si Mama. Matatanda na kami at hindi na kami kagaya noon. Parehas na kaming nag mature at alam na namin kung ano ang tama at mali.

At alam kong kahit apat na taon na ang lumipas, si Micko pa rin naman ang gusto ko kaya pumayag ako na ligawan niya ako ulit. Kaya ngayon, sa Batangas kami mag-spend ng weekends para na rin masabi na sakin ni Micko lahat ng dahilan niya noon.

Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon