Chapter 05

45.2K 550 4
                                    

"DIDN'T I told you that I hate people who come in late?" gigil na sabi niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"DIDN'T I told you that I hate people who come in late?" gigil na sabi niya. Parang umurong 'yung dila ko at hindi ako makasagot sakaniya.

Ano bang ira-rason ko sakaniya? Na may gago akong nabangga at gusto niyang bayaran ko sya gamit ang katawan ko – kagaya ng trabaho ko? Pero baka tawanan lang nya ako dahil siya rin mismo binabayaran ako para sa katawan ako... Ano pa nga bang bago.

Ganon naman ang tingin ng lahat sakin dahil sa trabaho ko.

Ramdam ko 'yung pag tutubig ng mga mata ko, pero kinagat ko nalang 'yung pang ibabang labi ko para pigilan 'yung luhang nagbabadyang tumulo.

"I-I'm sorry..." nangininig na sabi ko.

He was clenching his jaw while glaring at me. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatayo lang ako sa harapan niya habang sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Para na akong maiiyak sa sobrang kaba.

Sandali siyang napapikit at napasuklay sya sa kanyang buhok bago siya naglakad papalapit sakin. Tumaas 'yung kanang kamay niya at akala ko ay sasaktan niya ako kaya napapikit ako at hinahantay na dumapo 'yung kamay niya sakin.

Maiintindihan ko kung sasaktan niya ako dahil sa nagawa ko... kasalanan ko naman, e. Alam kong ayaw niyang late akong dadating. He told me that a while ago – repeatedly.

I had my eyes closed, anticipating the impact of his hand on my face, but I was surprised to feel his soft thumb on my cheeks instead. When I opened my eyes, the angry expression on his face had vanished. And I didn't realize I was crying.

"I... I didn't mean to scare you," he said softly, his eyes gentle. His enraged expression has vanished.

Nakatingin lang ako sakaniya na parang hindi makapaniwala. Parang kanina lang galit na galit siya sakin dahil 30 minutes late ako tapos ngayon sobrang amo na ng itsura niya.

"Did you expect me to strike you?" He asked, his voice laced with pain, because I suspected he was about to hit me.

Dahan-dahan akong tumango sakaniya. "A-akala ko sasampalin mo 'ko," sagot ko sakaniya. Sandaling nanlaki 'yung mga mata niya dahil sa sinabi ko, pero agad din 'tong nawala.

"I would never do that,"

Sobrang lapit ng mukha niya sakin kaya kitang kita ko kung gaano siya kagwapo. His chiseled jaw and perfectly sculpted face. His dark eyes were peering into mine. His thick brows and long lashes, his turned-up nose, and those soft, pinkish lips...

"S-sorry..." nahihiyang sagot ko kaya napatungo ako.

Hinawakan niya 'yung baba ko para iangat at tignan ako sa mata. He looks like he regretted how he acted a while ago. He stared at me for a second before he pulled me for a hug.

"M-micko..." I mumbled. While I was wrapped in his arms, I was frozen and couldn't move a muscle.

We didn't do anything after he hugged me. Mabuti nalang at hindi na rin siya nag tanong pa kung bakit ako na-late dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon