Chapter 01

63.7K 646 34
                                    

"LINDSEY! LARA! It's your turn now!" sigaw ni Miss Sweety at dali-dali kaming pumasok ni Lara sa loob ng isang VIP room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"LINDSEY! LARA! It's your turn now!" sigaw ni Miss Sweety at dali-dali kaming pumasok ni Lara sa loob ng isang VIP room.

We got a job tonight at kasama ko si Lara, na naging best friend, ko dito sa Btch Valley. Apat na taon na akong nagtatrabaho dito at si Lara ang palagi kong nagiging partner t'wing may booking kami. We're both strippers in the Btch Valley. At dahil kami ang palaging partner, naging mag best friend kami at madalas kaming dalawa ang binu-book ng mga VIP customers dahil para na kaming isang package. Kumbaga komportable kami sa isa't isa, kaya mas lalong gumaganda ang performance namin.

"Ready ka na? Naka-set up na 'yong camera," Lara said, and I nodded.

Parehas naming kailangan ng pera ni Lara kaya namin 'to pinasok. Ako para sa pamilya ko at sya naman ay para sakanilang dalawang magkapatid.

We sacrificed ourselves for the sake of money. Gagawin namin ang lahat para sa pamilya namin...

I applied to numerous companies, but I didn't get a call back from them. Miski interview man lang ay wala... and I didn't have a choice but to apply here dahil kailangan na ni Papa ng pambili ng gamot niya...

I don't want to lose Papa. Not now. Not ever.

Kaya I will do everything... anything. Just to make sure he'll become healthy again. Dahil gusto ko kapag dumating 'yong araw na mababalik ko 'yong ninakaw samin ay nandyan siya. Because I am doing this for him, for our family.

Bumukas na 'yong camera at bumungad sa harap ng screen ang isang intsik na customer namin. He's an old man who has a lot of money and is willing to pay big cash for a little entertainment... At kami 'yon. Kami 'yong bayarang babae na mag-eentertain sakaniya.

Pilit kaming ngumiti ni Lara at bumati sa camera.

"Let's have fun, girls!" sabi nong intsik.

Sandali kaming nagtinginan ni Lara at nag-senyasan na simulant na namin 'to para matapos na din kami agad.

I'm wearing a black glamour open cage bra halter top and a black and white t-back. I started dancing sexily while Lara was doing pole dancing. We did our routine. We dance and then strip and make sure na satisfied ang aming customer habang pinapanood nila kami.

"You! Play with yourself." utos nung matandang intsik sakin at wala akong nagawa kung hindi sundin siya. I am a stripper, after all, and I get paid by doing this.

His eyes were full of lust while touching himself in front of the camera. Parang gusto na niyang pumasok sa loob ng screen niya sa paraan ng pagtitig niya samin ni Lara.

Apat na taon ko na 'tong ginagawa, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din masikmura ang ginagawa kong trabaho. I massaged my boobs with my bra still on. Nasa policy namin na bawal kaming mag hubad totally hanggang bra at panties lang – unless papayag kami para sa extrang bayad. Pero never pa akong pumayag na gawin 'yon. The same goes for taking us out. Nakalagay sa kontrata namin na bawal kaming iuwi ng kahit sinong customer namin at bawal ang sex. Strippers lang kami. Hindi Hookers. Magkaiba 'yon.

I just closed my eyes while playing with myself and wishing na sana bumilis ang oras para matapos na 'to. I just want this performance to stop. I just want to scream, but not out of pleasure, but because I am tired of doing this, but I know that I can't just stop...

I wanted to stop, but I couldn't...

I had been judged by a lot of people because of this job. Pero anong magagawa ko? I have to do this job... Hindi ko naman kagustuhan 'tong gawin, pero kailangan kong gawin...

Some people are so quick to judge other people just based on what they do for a living, that they don't even realize if that person really wanted to do that job in the first place or they just needed to do it.

Hindi nagtagal ay natapos na din kami at pinatay na ni Lara 'yong camera.

"Okay ka lang?" tanong ni Lara sakin at saka ako inabutan ng bathrobe para takpan 'yong sarili ko.

Tipid ko siyang nginitian, "Hindi ako okay pero wala, e. Kailangan natin 'tong gawin," sagot ko at parehas kaming ngumiti ng malungkot sa isa't isa.

Pagkatapos naming ayusin 'yong VIP room ay agad na kaming nagbihis ni Lara para agad na din kaming makauwi dahil alam kong pareho kaming dalawa na kating kati na para makaligo.

Agad din ibinigay ni Miss Sweety 'yong kinita namin ngayong araw. 20 thousand. Ang laki ng tip na binigay nung intsik na customer namin!

Nagpaalam kami ni Lara kay Miss Sweety bago kami umalis.

Inihatid ko muna si Lara, bago ako umuwi.

"Bye Lara. Bukas nalang ulit. Goodnight," paalam ko sakaniya at kumaway.

"H'wag mong kalimutan mag-review! May exam pa tayo bukas," paalala niya sakin at tumango lang ako at kumaway bago ako nag-drive paalis.

Binili namin ni Lara 'tong sasakyan at naghati kami sa pinambayad dito gamit 'yong kinita naming pera. Salitan kami kung sino ang mag-uuwi ng sasakyan at ngayong gabi ang turn ko sa pag uwi ng sasakyan kaya ako ang naghatid sakaniya.

Nagawa din naming makabalik sa pag-aaral dahil sa perang kinikita namin sa Btch Valley. Kahit na ganito ang sitwasyon at trabaho namin ay gusto pa din naming makapag tapos ni Lara para makakuha ng disenteng trabaho pagka-graduate namin.

Nag-park ako sa tapat ng bahay namin. Patay na ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay dahil ala una na ng madaling araw.

Nagulat ako ng makita kong gising pa si Mama pag pasok ko sa loob. "Bakit ngayon ka lang anak?" nag-aalalang tanong ni Mama.

Tipid ko siyang nginitian at hinalikan sa pisngi. "Ma naman bakit hinintay niyo pa akong makauwi? Sabi ko naman po sainyo 'di ba na night shift ako ngayon at madaling araw na akong makakauwi," sabi ko.

Naglakad ako papunta sa kusina at uminom ng tubig. Sinundan pa din ako ni Mama. Parati kasi niya akong hinahantay pang makauwi kahit na sinabi kong matulog na sya ng maaga dahil buong umaga syang naglalabada.

"Magpahinga ka na ha. Maaga pa ang pasok mo bukas." sabi ni Mama at saka ako nilapitan para yakapin. Sandali siyang tumigil at alam kong maiiyak na naman si Mama. "Salamat sa lahat ng sakripisyong ginagawa mo para samin. Mahal na mahal ka namin anak."

I bit my lower lip para pigilan 'yong pagtulo ng luha sa mga mata ko at saka niyakap ng mas mahigpit si Mama. She's very thin now kumpara sa makinis at malusog na pangangatawan niya noon.

"Lahat gagawin ko para sainyo, Ma. Mahal na mahal ko din po kayo."

Iniwan na din ako ni Mama dahil halata mo sa mukha niya 'yong sobrang pagod. Halos sugat-sugat na din 'yong kamay niya dahil sa paglalabada.

Pag-alis ni Mama ay mabilis akong napaupo sa sahig... parang nanghihina 'yong tuhod ko at parang dinudurog 'yong puso ko t'wing magsisinungaling ako kay Mama. I lied to her every time she asked me, kung ano bang trabaho ko at palaging ganitong oras na akong umuuwi, pero palaging kasinungalingan lang ang sinasagot ko.

I'm their only hope... I want us to get back to the life we once had.

I took a shower bago ako natulog. I scrubbed my body hanggang mamula na ang balat ko para lang tanggalin 'yong pandidiri ko sa sarili ko.

Hindi ako titigil hanggat hindi ko naibabalik ang buhay na meron kami dati... Hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakaganti sa taong gumawa samin nito. At sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya sa pamilya ko at lalong lalo na kay Papa!

WHATYASEY

Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon