Chapter 16

25.4K 297 9
                                    

"THANK YOU, Lindsey

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"THANK YOU, Lindsey." Veena smiled at me after we broke the hug. "Balik na muna ako don. May susunod na performance pa ako, e." paalam niya bago siya umalis.

"Siya ba iyong nag-perform kanina?" Marv asked pag alis ni Veena.

I nodded, "Oo siya nga. Nagkausap kami sa washroom kanina," sagot ko.

"Anong pangalan? Parang kasing edad niyo rin ni Lara iyon,"

"Veena pangalan niya. Mukha nga," pag-sang ayon ko.

I wonder what she'd been going through to get this kind of job...

Marv and I just talked while working. Pinipilit pa rin niya akong huwag ng bumalik sa pagiging stripper para raw may kadaldalan siya at kasama sa pagiging bartender pero tinawanan ko lang sya.

"Hi." nabigla ako ng umupo sa tapat ng bar counter si Micko.

"Hi." bati ko ng nakangiti.

"Busy?"

I nodded, "Oo kanina pa. Daming customer, e. May gusto ka bang inumin?" sabi ko. He just nodded.

"Same drink that you gave me last time," sagot niya kaya hinanda ko na iyong alak niya at saka ko inabot sakaniya.

"Ano nga palang pinunta mo dito?" tanong ko habang nililigpit iyong mga ginamit ko. Si Marv naman pasulyap-sulyap samin ni Micko.

I gave Marv a stop-gawking-around look dahil parang binibigyan niya ng malisya iyong pag-uusap namin ni Micko – which is hindi naman dapat dahil wala namang malisya saming dalawa.

"I came to see you." straightforward na sagot ni Micko. Napatigil ako sa ginagawa ko. Seryoso lang siyang nakatingin sakin, hinihintay kong magsabi siya ng joke pero wala na siyang sinabing kasunod.

"Ahh..." bukod tanging nasabi ko at pilit na tumawa dahil sa sinabi niya.

Mukhang narinig ata ni Marv iyong sinabi ni Micko kaya narinig ko siyang tumikhim sa tabi.

"N-Nakausap mo na ba si Miss Sweety?" pag-iiba ko ng usapan at saka ko nalang pinagpatuloy iyong pag-aayos.

"I'll talk to her later. Why? Do you want me to leave now?"

I bit my lower lip. I can't read him. His face looks serious, but he has a playful smile on his lips. Hindi ko tuloy alam kung seseryosohin ko ba iyong mga sinasabi niya o hindi.

"Wala naman akong sinabing umalis ka. Para kang sira!" natatawang sagot ko. Tinalikuran ko muna siya para ilagay iyong ibang lalagyan sa kabilang side ng counter.

Pakiramdam ko namumula na iyong mukha ko dahil sa mga lumalabas sa bibig ni Micko. Hindi ko alam kung bakit ganyan iyong mga sinasabi niya sakin na parang nilalandi niya ako e may girlfriend siya.

Gusto ko sanang pagbawalan si Micko sa mga sinasabi niya sakin dahil hindi tama. May girlfriend siya tapos nanlalandi siya ng ibang babae... Maling-mali iyon.

Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon