Chapter 36

19.6K 239 12
                                    

"ANG LAKI nang ngiti natin ngayon mars,"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ANG LAKI nang ngiti natin ngayon mars,"

"Lahat nalang napapansin mo talaga," sagot ko bago umirap sakaniya, pero agad ring bumalik iyong ngiti sa labi ko. Tinawanan lang ako ni Lara.

"Paanong hindi mapapansin e para kang tanga ryan kanina ka pa nakangisi mag-isa,"

"E, sa masaya ako, e."

"Bakit ka nga masaya? Nagkabalikan na kayo ni Baby Daddy?" pang-asar niya habang nakatingin sakin ng nakakaloko.

"Ewan ko sayo. Dyan ka na nga mag-isa," sabi ko bago tumayo at iniwan siya. Tinawanan lang niya ako ulit.

Pumunta ako sa storage room namin at doon nag-check nalang ng mga supplies. Baka kasi may makalimutan ako i-order. Hindi ko kasi natapos iyong pag-order kahapon simula ng dumating si Micko.

After naming mag-usap kahapon ay halos hindi ako makapag-concentrate dahil inaasar rin ako ng mga employees ko na nakangiti raw ako masyado – kagaya ng pang-aasar ni Lara sakin ngayon kaya umuwi nalang rin ako ng maaga kahapon.

And yes, I did give Micko a chance to explain everything to me. I gave him a chance to become a father to Chale too. Alam ko namang hindi ko pwedeng itago si Chale sakaniya dahil anak niya rin si Chale at karapatan niyang maging tatay sa anak namin.

Iyon lang naman ang gusto niya, e. Ang maging tatay ni Chale. Wala naman siyang sinabing babalikan niya ako kahit na makapag-explain na siya sakin. Pero masaya pa rin ako, kasi alam kong matutuwa si Chale kapag nakilala na niya ang ama niya.

Sinundan ako ni Lara sa storage room.

"Kidding aside, Lindsey, ready ka na ba talagang makinig kay Micko?"

I sighed deeply before facing her. I smiled at her before slowly nodding at her. "Tama lang rin siguro na marinig ko iyong rason niya. Para na rin sa ikapapanatag ng isip ko. Apat na taon akong nag-iisip ng dahilan niya, e. It's time for me to listen to him."

Nilapitan ako ni Lara bago yakapin. "Basta nandito lang ako palagi kahit na anong manyari. All I want for you is to be happy and have peace of mind, Lindsey. After everything na pinagdaanan mo, you truly deserve to be happy."

I hugged her back. "Thank you, Lara," I said,

***

Hindi ko pa nasasabi sa pamilya ko na nakapag-usap na kami ni Micko kahapon. Balak kong sabihin sakanila bukas ng lunch bago ako pumasok sa trabaho.

Naging busy kami ngayong araw kaya tumulong ako sa kusina habang si Lara naman ay tumulong sa pag-serve ng food at sa counter. Buong mag-hapon walang tigil ang pagdating ng mga customer. Kahit na nakakapagod ay masaya pa rin ako dahil ito talaga ang gusto kong gawin. Eto iyong pangarap kong maging trabaho hanggang tumanda ako. Eto siguro iyong passion na sinasabi ng iba na gustong-gusto mong gawin. Iyong tipong kahit nakakapagod ay nagagawa mo pa ring ngumiti dahil na-eenjoy mo kung ano iyong ginagawa mo at hindi iyong napipilitan kalang gawin para sa ikabubuhay mo.

Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon