"TIGIL MUNA kaya tayo sa tabi. Sobrang lakas na ng ulan, e." nag-aalalang sabi ko kay Micko.
Bigla bumuhos iyong ulan habang papauwi na kami. Hindi ko na masyadong makita iyong kalsada sa labas sa sobrang lakas ng ulan at hangin. Nag-aalala ako, madilim na at delikadong buma-byahe pa kami ni Micko ng ganito.
"Are you sure? Aren't your parents going to be worried that you're not home yet?" sabi niya habang diretso lang ang tingin sa kalsada. Hindi ko alam kung nasaan na ba kami banda.
"Ite-text ko nalang sila. Mas mabuti pang tumigil muna tayo dahil delikadong bumyahe pa tayo ng ganito kalakas ang ulan." sagot ko sakaniya, kaya nang may madaanan kaming convenient store ay doon muna pumasok si Micko para mag-park.
Rinig na rinig iyong bawat pag-patak ng ulan sa bubong ng sasakyan ni Micko. Sobrang lakas at walang tigil. Tapos may kaunting kidlat pa, kaya mas nakakatakot bumyahe.
Hindi naman ako takot sa kulog at kidlat, pero natatakot ako dahil baka ma-aksidente pa kami kapag nag patuloy pa kami sa pagbyahe.
Umalis sandali si Micko para bumili ng makakain namin. Hindi kasi kami nakakain sa EK kanina, mas gusto naming sumakay sa mga rides kaya ngayon gutom na gutom kami.
Pagbalik niya ay may bitbit siyang dalawang plastic bag. Agad ko siyang inabutan ng towel dahil nabasa siya ng ulan. Tumakbo lang kasi siya palabas dahil wala naman kaming dalang payong.
"Thanks," sabi niya nang abutin niya iyong towel at nagpunas ng katawan.
Ang dami nyang biniling pagkain. May sandwich, tubig, snacks at kung ano-ano pa.
"Sana tumigil na iyong ulan," sabi ko habang kinakain iyong ham and cheese sandwich na binili niya.
"I really hope so... Your parents might be really worried about you," sagot niya kaya napalingon ako sa gawi niya at bahagya siyang nginitian.
Natapos na kaming kumain ni Micko, hindi pa rin tumitigil iyong ulan. Parang mas lumakas pa nga lalo dahil maya't-maya na rin ang pagkidlat at malakas na kulog.
Micko lend me his phone, dahil wala na akong load at hindi ko matext sila Mama. He made me call my parents, kaya wala akong nagawa, mukhang mas nag-aalala pa siya kaysa kila Mama.
"Hello, Ma? Si Lindsey po 'to," I said when Mama answered my call. Halos 10 PM na ng gabi at alam kong nag-aalala na sila Mama. Alam rin kasi nila na wala akong pasok ngayon. Hindi ko rin alam kung sinabi ba ni Jella iyong tungkol sa "date" ko with Micko – gaya nang nasa isip niya kanina.
"Lindsey anak hindi ka pa ba uuwi? Ang lakas ng ulan," Mama said worriedly.
"Pauwi na po kami Ma, pero sobrang lakas po nang ulan kaya tumigil muna kami sandali dahil hindi na rin po namin makita iyong daan," paliwanag ko. Narinig ko iyong pag-buntong hininga niya.
BINABASA MO ANG
Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)
Romance(Mature Content Warning) Kristella Lindsey Samson gave up her lively and exciting adolescent life at such an early age to support her family. She didn't have a choice but to take a stripper's job. She is willing to go to any length in order to assis...