Chapter 06

41.3K 485 9
                                    

"HI, MICKO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HI, MICKO." kinakabahang bati ko sakaniya. The side of his lips rose while I could already feel my palms getting sweaty! My heart is beating so fast. Bakit ba ako kinakabahan na kaharap ko siya ngayon?

"Hindi ko alam na dito ka rin pala nag-aaral," sabi ko sakaniya. 'Yung mga kasama niya naman ay nakatingin lang saaming dalawa habang nagsesenyasan sila. Nagtataka siguro sila kung bakit kami magkakilalang dalawa.

"I didn't know that you also study here,"

"Ahh, Oo... Baka hindi mo lang rin ako napapansin dahil madalas umuuwi ako agad after ng klase," sagot ko sakaniya at pilit na ngumiti.

Napansin kong naiinip na 'yong mga kasama niyang lalaki kaya nagpaalam na ako. Magsisimula na rin 'yong exam ko.

"Una na 'ko, ha. See you!" paalam ko at mabilis ako na naglakad paalis papunta sa washroom.

"Lindsey!" rinig ko pang tawag niya bago ako makalayo.

"Ano 'yun?"

"Are you free tonight?" diretsong tanong niya at nakita kong nagulat 'yong mga kasama niyang lalaki dahil sa sinabi niya.

I bit my lower lip as I forced myself not to smile. I nodded my head and smiled at him.

"Oo, magkita nalang tayo do'n mamaya?" pagtukoy ko sa Btch Valley. Tumango siya at ngumiti saakin. Agad siyang nilapitan ng mga kasama niya kaya agad na akong tumalikod para umalis.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang natuwa dahil sa sinabi niya. E, malamang may kontrata kaming dalawa at trabaho ko bilang personal stripper niya na gawin 'yon at makipag kita sakaniya kung kailan niya gusto.

"Ikaw lang 'yong nakangiti sa lahat ng mage-exam," komento ni Lara habang naglalakad kami pabalik ng room.

I pursed my lips together to stop myself from grinning from ear-to-ear, pero hindi ko magawa. Simula kanina pa ako nakangiti kaya si Lara e ayaw akong tigilan.

"Mag-focus ka nalang sa pagtake ng exam. 'Wag mo na 'kong guluhin," sagot ko sakaniya, pero pinanliitan lang niya ako ng mata habang nakangisi ng nakakaloko sakin.

Hindi ko nalang pinansin si Lara hanggang makabalik kami sa room. Mabuti nalang din at hindi na ako binulabog ni Lara hanggang sa magsimula kami ng pag-exam.

Tinanggal ko muna sa isipan ko si Micko para mas makapag focus ako sa pagsasagot. Huling exam na namin 'to ngayong sem kaya kailangan kong makapasa dito. Hindi na ako makapag hintay na makapag tapos para makakuha ako ng trabaho na gusto ko talaga.

Malaki ang naitulong sakin ng pagiging stripper at hindi ko itatanggi 'yon, pero... hindi ko 'yon gustong maging trabaho. May pangarap ako sa sarili ko at may pangarap ako para sa pamilya ko na kailangan kong tuparin.

Kahit apat na taon na ang lumipas, hindi ko pa rin malilimutan ang lalaking may kagagawan ng lahat ng ito. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. At pinapangako ko sa sarili ko na ibabalik ko kay Papa lahat ng ninakaw sakaniya hanggat nabubuhay pa ako.

Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon