Ang Kwento Ni Hana (1)

252 1 0
                                    

" Hana, wag tayo dito banda. Delikado."

" Hindi yan! Wala pa namang dumadaan na tren eh." Pagdadahilan ko.

Tumatakbo ako habang pinapatalbog ko ang laruan kong bola.

" Kahit na. Malay mo, bigla nalang lumabas ung tren. Bawal tayo dito eh. At saka, baka sitahin tayo dito." Sabi niya, kita sa mukha niya ang pag-aalala.

" Hindi nga yan. Wala naman tao dito eh. Kaya okay lang." Sabi ko habang tumitingin-tingin sa paligid.

Sana nakinig nalang ako sa sinabi niya.

Sana hindi ko nalang siya niyaya sa lugar na iyon.

Kung alam ko lang na mangyayari yun, hindi nalang sana kami pumunta duon sa lugar na iyon.

...

" HANA!!!"

Agad-agad akong bumangon. Umalis na si Momi sa kwarto ko. Tutal, gising na daw ako eh.

... :|

Bakit ko na naman yun napanaginipan? Ayoko nang maalala ang nakaraan. Masyadong masakit para sa akin.

Nung araw na iyon, bigla na lang siya nawala ng parang bula. Hinanap ko siya buong araw pero hindi ko na siya nakita pang muli.

HANGGANG NGAYON...

Ako nga pala si Hana. 12 years old. Freshman student. Masayahin at isip-bata daw.

Meron akong brown na buhok. Mahaba ang mga pilikmata ko at hindi naman sa mahangin ako, pero maganda talaga ako. *smirk*

Pagkatapos ko maghanda para sa pagpasok ko, dumiretso na ako sa tambayan namin ng childhood friend ko. Isa lang namang malaking puno ng alateris ang tambayan namin.

Tiningnan ko ang malaking puno na puno ng guilt at hinawakan ang necklace na nasa leeg ko.

The day after tomorrow na pala ung ika-5 taon. 5 taon na ang nakalipas. Parang ang bilis naman ng panahon.

" Sorry, Natsu. Kung sakaling nakinig lang ako sayo, nasa tabi ko pa rin kaya ikaw?" Hinawakan ko ung katawan ng puno, nagpipigil ng mga luha.

" Hana..." Narinig ko ang boses sa hindi kalayuan.

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti. Kahit ayoko, pinilit kong ngumiti.

" Oh. Nandito ka na pala? Tara na?"

Tiningnan niya lang ako ng may pag-aalala.

" Hana, itigil mo yan kung ayaw mo talagang gawin yan." Nung pagkasabi niya nun, bigla nalang ako nawalan ng lakas ngumiti. Sumimangot ako.

Lumapit siya sa akin at nilagay ang kanyang malaking kamay sa ulo ko.

" Wag ka na malungkot. Magiging malungkot din siya kapag ganyan ang mukha mo." Ngumiti siya sa akin. Tinitigan ko lang siya tapos yumuko.

I Want To Go Back... To The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon