Ang Kwento ni Hana (6)

67 1 0
                                    

" Nandito na tayo." Sabi ni Tsuna habang pinapark ung kotse niya. Pumunta na kami sa mismong lugar.

Fresh na fresh pa sa akin ang pangyayaring iyon. Hindi ko makakalimutan. Hindi ko matatanggap na nawala siya ng ganun-ganun lang.

Humarap ako sa kanya. Nakatingin siya sa eksaktong lugar kung saan ako nakatayo noon. Hindi maipinta ang mukha niya.

Magsasalita na sana ako pero nauna na siya.

" Gusto mo ba talagang malaman ang lahat? Ang tungkol sa totoong nangyari nung araw na yun? Tungkol sa akin? Tungkol kay... Natsu?"

Nakaramdam ulit ako ng kaba at takot.

...

Bubuksan ko ba ang 'Pandora's box'? Anong sikreto ang nakatago dito?

Gusto ko malaman. Hindi naman masama yun, diba?

...

Tumango ako. Handa akong makinig. Handa kong protektahan ang sikreto na malalaman ko.

" Pero bago ko sabihin, may conditions ako."

" Conditions? Bakit kailangan pa nun?" Ang arte naman nito.

" Gusto mo bang malaman o hindi?"

" Ou na. Ano ba yun?" Haay. Pagbigyan.

" Una, ipikit mo ang mga mata mo. Kahit anong mangyari hindi mo muna bubuksan ang mga mata mo. At pangalawa, wala munang magtatanong. Hangga't hindi pa ako tapos sa pagkukwento, hindi ka magsasalita. Hindi na mauulit ang sasabihin ko."

Hah? May ganyan pala sa pagkukwento ngayon? Bawal tingnan ung taong papakinggan mo at bawal mag-interrupt? Ganun ba kahalaga ung sekreto na alam niya?

" Anu pa ba magagawa ko? No choice ako eh."

Ipinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko na hinawakan niya ung mga kamay ko mula sa ibaba. Nakaluhod ata siya.

" Nung bata ako, katulad ng age mo nung una tayong nagkita, may kaibigan ako. Mag-bestfriends kami. I like her. Pero nung araw na yun, hindi ko siya naligtas.

Namatay siya sa isang aksidente.Nalungkot ako dahil wala man lang akong nagawa nung namatay siya. Nasa tabi ko na siya pero hindi ko siya nailigtas. Pinagsisihan ko ang nangyari sa kanya."

Humigpit ng onti ung hawak niya sa kamay ko. Ramdam mo ang pagsisisi sa kwento.

" After 10 years, 5 years from now, may nag-imbento ng time machine. Kinuha ko ung opportunity na yun. Para mailigtas siya ulit sa mismong araw na yun pero hindi ko pede sabihin kahit kanino ang tungkol sa akin kung gusto ko pang mag-stay ang existence ko."

Time machine? Totoo pala ung mga ganun? Akala ko sa mga pelikula lang merong ganun.

Kung ginamit niya ung time machine, edi ibig sabihin... galing siya sa future?

" Bumalik ako sa time na yun at iniligtas ka. Tuwang-tuwa ako nung naiwasan ko ang aksidenteng yun. But the Natsu that you knew disappeared because I took over his existence."

Teka, niligtas niya ako? Pero bakit hindi niya niligtas ang kaibigan niya?

Ako... Ako ba ung tinutukoy niyang kaibigan niya? Yun ba yon?

Binitawan niya ung kamay ko. Teka, bakit mo ako binitawan? Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko na unti-unting naglalaho si Tsuna.

" Tsuna...?" Nagulat ako sa nakikita ko ngayon.

Bakit... Bakit siya naglalaho? Dahil ba sinabi niya ang tungkol sa sarili niya?

Kung alam ko lang na mangyayari ito, edi sana hindi ko na lang inalam pa.

Ang 'Pandora's Box' na nabuksan ko ay hindi na maisasara pa at maibabalik pa sa dati.

" Diba sabi kong ipikit mo ang mga mata mo?"

May mga luha galing sa mga mata niya. Ngayon ko lang nakita siyang umiyak. At hindi na naging malungkot ang mga mata niya.

" Tsuna, wag mo akong iwan." May mga luhang namumuo sa mga mata ko.

Pinipilit ni Tsuna na punasin ang mga luha ko pero hindi niya na ako mahawakan. Hindi ko din siya mahawakan.

Tumulo ang mga luha ko sa nangyayari ngayon.

" I want to stay pero hindi maari. Tsuna, is also your childhood friend, Hana. My name is Natsu."

Hinalikan niya ung noo ko.

Naaninag ko ung nasa leeg niya. Isang kwintas.

Kwintas ni Natsu.

" Hana, I l-"

At naglaho na siya ng tuluyan.

" Natsu? Tsuna...?"

...

" Teka, anu bang ginagawa ko dito?" Bakit ako nasa gilid ng riles ng tren?

...

3rd Person's POV

May isang litrato sa sahig. Picture nila ni Hana at Natsu. Nabura ang picture ni Natsu.

Nakita ni Hana ang picture. Kinuha niya yun at nagtaka.

' Paano napunta dito ang picture ko? 'Sabi niya sa isip niya.

Umalis na siya habang may dumadaan na tren.

Nagtataka din siya kung ano ba talaga ang pinunta niya sa lugar na yun.

Kung bakit bumabalik siya sa lugar na yun, hindi niya alam. Hindi na niya matandaan pa.

I Want To Go Back... To The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon