" Bukas na pala ang birthday ko. Sayang at hindi ko pwedeng sabihin kay Hana." Bulong ni Tsuna.
Nagtatrabaho siya sa isang restaurant as a cashier. Break muna niya.
" Di bale. Ililibre ko na lang siya bukas. Kunwari magcecelebrate kami ng birthday k-... I mean, si Natsu." Dagdag niya habang nakatingin sa picture. Kasama si Hana duon sa picture.
Tinitigan niya lang ung picture ng matagal. Halata sa mga mata niya ang lungkot.
" Pasensya ka na ha? Dahil sa akin, wala na siya, ang Natsu na kilala mo." Pinipigilan niya lang ang maiyak.
Buti nalang at ginawa ko yun.
Hindi ako nagkamaling iligtas ka nung araw na yun. Hindi ko yun pinagsisisihan.
Buti nalang din at hindi mo ako kinalimutan.
Gusto ko sabihin lahat-lahat pero kapag ipinagkonekta ko ang mundo natin, masisira ang isa.
At yun ay ung akin.
...
RIIINNNGGG!!!
Yes! Uwian na!
Excited na akong umuwi!
Ano kaya ang pwedeng ibang gawin para sa birthday ni Natsu? Lagi lang ako kumakain sa favorite namin ni Natsu na kainan.
Naalala ko pa noong nandito pa siya...
...
FLASHBACK (5 years ago)
" Sorry kung pinaghintay kita!" Sabi ko habang naglalakad palapit sa kanya.
Nandito kami ngayon sa tambayan namin. At birthday niya ngayon.
" Ah! Ou nga pala!" Sabay halungkat ko sa backpack ko.
" Ano yun?" Pagtataka niya habang nakatingin sa backpack ko.
" Eto..." Binigay ko sa kanya ang regalo ko. Nakabalot pa ito sa blue na gift wrapper. " H-Happy birthday, Natsu!"
Kinuha niya ung regalo ko. Nahawakan niya ung kamay ko. *blush*
" S-Salamat. Pwede ko bang buksan?" Tanong niya sa akin. Kitang-kita sa mukha niya na gusto niyang malaman ang nasa loob.
" Ikaw bahala. Sa iyo naman yan eh. Sana magustuhan mo." Pag-iiwas ko ng tingin.
*rips*
Rinig na rinig ko ang pagbubukas niya ng gift wrap.
At hindi nagtagal ay tumigil na din siya sa pagpupunit.
" Wow! Itong necklace na ito... Diba ito ung lagi nating nakikita dun sa isang store na nadadaanan natin? At saka, diba couple necklace ito? Asan ung isa pa?"
Humarap ako sa kanya at ipinakita ko ung leeg ko. Suot ko ung isa pa. " Syempre, dapat meron din ako. Soulmates tayo, diba?"
Itsura nung couple necklace nila ------->
" Sayang naman."Nag-pout siya.
" Bakit? Ayaw mong ako ung soulmate mo?"Sumimangot ako at yumuko.
Hinawakan niya ang mga balikat ko. " Hindi naman sa ganun. Gusto ko ako ang maglalagay niyan sayo eh."
" Ako nalang ang maglalagay ng necklace mo. Sa susunod ko nalang ipapakabit sayo ung akin. Okay na ba yun sayo?" Nginitian ko siya.
Tumango siya at ibinigay sa akin ung regalo kong necklace. Kinuha ko ito at tumalikod siya.
Habang sinusuot ko sa kanya ung necklace, biglang bumigat ung puso ko. Medyo mahirap huminga. Nakaramdam ako ng kaba at takot.
Bakit ganito ang nararamdaman ko noon?
" Hana?"
...
" Hana?"
...!
" Nakatulala ka kanina pa. May iniisip ka ba? May problema ba?" Pagtatanong ni Tsuna. Nandito na pala siya. Hindi ko namalayan.
" A-Ah... Pagod lang siguro."
" Ganun ba? Halika na at iuuwi na kita sa inyo. Kailangan mong magpahinga." Pag-aalala niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay at balikat ko at inalalayan ako.
" Okay lang ako. Wala naman akong sakit." Inalis ko ang mga kamay niya pero hindi niya binitawan /ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
Tinitigan ko ung kamay namin. Napakalaki ng kamay niya. Warm and gentle.
Sana hawakan niya ang mga kamay ko tuwing nalulungkot ako. Naaalala ko pa na ginagawa yun ni Natsu sa akin tuwing mapapaiyak na ako.
Kung buhay pa kaya si Natsu, ganito rin ba ung kamay na hahawak sa akin ngayon?
" Hana, wag ka nang malungkot."
Napatingin naman ako nang di oras. Gulat na gulat ang mga mata ko.
Natsu...? Si Natsu lang nagsasabi sa akin ng mga katagang yan. Tuwing hahawakan niya ang kamay ko, lagi niya yun sinasabi.
Dahil si Tsuna, at hindi si Natsu ang taong nagsasabi nun ngayon, nadisappoint ako. Imposible. Hindi siya si Natsu. Coincidence lang yun.
" I'm sorry. Sorry kasi dahil sa akin naging malungkot ka. Dahil nandito ako, nawala si... Natsu."
" Wag kang mag-sorry! Niligtas mo lang ako. Hindi mo kasalanan kung bakit nawala si Natsu. Kung hindi mo ako niligtas nung araw na yun, siguro... masasaktan din siya. Mas masakit pa sa nararamdaman ko."
Saglit na nanlaki ang mga mata niya. Tapos bumalik na ulit sa pagiging malungkot. Tinignan niya ako.
Bakit parang... May alam ba talaga siya tungkol kay Natsu nung araw na yun?
" Tsuna, may... may alam ka b-"
" Ha-Halika na. Papagalitan pa ako ni T-... ng mommy mo." Sabi niya na parang nagpapanic.
Binitawan na niya ung kamay ko.
Somehow, parang may naramdaman akong familliar feeling nung nagbitaw kami. Hindi ko matandaan kung saan ko yun naramdaman.
Di bale. Tatanungin ko na lang siya sa araw na yun.
BINABASA MO ANG
I Want To Go Back... To The Past (Completed)
RomanceShort Story Genre: Romance, Fiction Isang maikling kwento tungkol sa dalawang taong nawalan ng minamahal sa buhay. Nakilala ni Hana ang isang binatang nagligtas sa kanya noon. Napakamisteryoso niya at kilala na niya si Hana. Pero ngayon pa lang niya...