Ang Kwento ni Natsu (6)

62 0 0
                                    

Di rin nagtagal at nakarating din kami sa pupuntahan namin.

Kung saan nangyari ang aksidente.

Kapag nandito ako sa lugar na ito, hindi ko mapigilang maalala ung kinahinatnan ni Hana noon.

" Nandito na tayo." Tahimik lang si Hana. Siguro inaalala niya din ung mga nangyari noon.

Pumasok kami at pumwesto malapit sa riles ng tren. Nakatingin lang ako sa mismong lugar kung saan ko siya iniligtas 5 years ago. Bata pa lang kami noon ni Hana nung iniligtas ko siya.

10 years kong hinintay ang pagkakataong mabago ang nakaraan. Ang pagkakataong mailigtas siya.

Itong araw na ito ay ang araw na mawawala ako sa piling niya. Maaring makalimutan niya ako pagkatapos nito pero kung gusto niya talagang malaman ay sasabihin ko.

" Gusto mo ba talagang malaman ang lahat? Ang tungkol sa totoong nangyari nung araw na yun? Tungkol sa akin? Tungkol kay... Natsu?" Tiningnan ko siya. Halatang kinakabahan siya.

Tumango siya.

Hana, kung alam mo lang kung anong mangyayari pagkatapos nito.

" Pero bago ko sabihin, may conditions ako."

" Conditions? Bakit kailangan pa nun?"

" Gusto mo bang malaman o hindi?"

" Ou na. Ano ba yun?"

" Una, ipikit mo ang mga mata mo. Kahit anong mangyari hindi mo muna bubuksan ang mga mata mo." Ayokong makita mo kung paano ako mawawala sa tabi mo.

" At pangalawa, wala munang magtatanong. Hangga't hindi pa ako tapos sa pagkukwento, hindi ka magsasalita. Hindi na mauulit ang sasabihin ko." Dahil baka hindi ko na masabi ang lahat-lahat.

Mukhang naguguluhan siya. " Anu pa ba magagawa ko? No choice ako eh."

Ipinikit na niya ang mga mata niya. Ang haba ng mga pilikmata niya. Ang nipis ng mga labi niya. Gusto ko mang halikan ay hindi pupwede.

Lumuhod ako at hinawakan ko ang mga kamay niya. Napakalambot ng mga iyon. Sana ako lang ang tanging lalaking makakahawak sa mga kamay niya.

" Nung bata ako, katulad ng age mo nung una tayong nagkita, may kaibigan ako. Mag-bestfriends kami. I like her. Pero nung araw na yun, hindi ko siya naligtas.

Namatay siya sa isang aksidente.Nalungkot ako dahil wala man lang akong nagawa nung namatay siya. Nasa tabi ko na siya pero hindi ko siya nailigtas. Pinagsisihan ko ang nangyari sa kanya."

Tuloy-tuloy lang ang pagkukwento ko. Nakikita kong unti-unti akong naglalaho mula sa dulo ng aking mga paa.

Sana wag ng imulat pa ang mga mata ni Hana. Ayokong makita niya ako. Ayokong makita ang magiging reaksyon niya.

" After 10 years, 5 years from now, may nag-imbento ng time machine. Kinuha ko ung opportunity na yun. Para mailigtas siya ulit sa mismong araw na yun pero hindi ko pede sabihin kahit kanino ang tungkol sa akin kung gusto ko pang mag-stay ang existence ko."

Nakaabot na sa may bandang bewang ko. Halos hindi ko na makita ang ibaba ko.

Ang lungkot naman ng ganito. Unti-unti kong nakikita na mawawala ko si Hana.

" Bumalik ako sa time na yun at iniligtas ka. Tuwang-tuwa ako nung naiwasan ko ang aksidenteng yun. But the Natsu that you knew disappeared because I took over his existence."

Binitawan ko ng dahan-dahan ang mga kamay ni Hana. Hindi ko na siya mahahawakan pa.

Napatigil ako sa pagkukwento dahil naiiyak na ako.

Pero nagulat na lang ako ng makita kong unti-unting binuksan ni Hana ang mga mata niya.

Mukha siyang gulat at takot sa nakikita niya.

" Tsuna...?"

" Diba sabi kong ipikit mo ang mga mata mo?" Nginitian ko na lang siya kahit hindi talaga dapat.

Pero masaya ako dahil nalaman na niya ang lahat. Pero may kailangan pa akong linawin sa kanya.

Madami pa akong gustong sabihin sa kanya.

" Tsuna, wag mo akong iwan." Naiiyak na din si Hana.

Gusto ko man punasin ang mga luha niya ay hindi ko magawa. Hindi ko na siya mahawakan. Hindi na rin niya ako nahahawakan pa.

" I want to stay pero hindi maari. Tsuna, is also your childhood friend, Hana. My name is Natsu."

Lumapit ako sa noo niya at hinalikan ito kahit alam kong hindi niya ito maramdaman.

" Hana, I l-"

...

Hana, I love you.

Till we meet again.

I Want To Go Back... To The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon