Ang Kwento ni Hana (5)

67 1 0
                                    

NEXT DAY

Nag-aayos na ako at hinihintay si Tsuna.

" Oh anak, bakit ganyan suot mo? May date ka ba?" Nakangising tanong ng mommy ko.

Purkit naka-dress lang ako, date kaagad?

Itsura (ung nasa left po)------->

 [[ (c) rika-dono.deviantart.com ]]

" Huh? Hindi po date ang gagawin namin." ( =////=)

" Ayiee! Tanggi pa ang maganda kong dalaga. Gwapo naman si Tsuna ah? Nagyaya na ba sayo na maging GF ka niya?" Talaga naman si Mommy. Kapag gwapo, gora lang.

" Mommy, mas matanda po ung tao sa akin. 12 tapos 22? 10 years po kaya agwat namin."

" Pero mahal mo, diba? Yun lang ung mahalaga dun eh."

Tumango ako. Nginitian na lang ako ni Mommy at umalis na din. Narinig ko ang kotse ni Tsuna. Dali-dali akong lumabas. Nagulat naman si Tsuna nung nakita ako.

" P-Pangit ba suot ko? Bakit ka ganyan makatingin?"

Bigla naman umiwas ng tingin si Tsuna. Pero binalik niya din ang tingin niya. Nilapitan niya ako at hinawakan ang buhok ko.

" Hindi pangit sayo. Cute mo nga kapag nakalugay ung buhok ng ganito eh."

(*/////*) Cute daw ako!!!

Madami nang nagsasabi sa akin na cute, pretty, or maganda daw ako. Pero ngayon ko lang na-appreciate ung salitang yun. Iba talaga kapag galing sa mahal mo.

" Ah... ganun ba? S-Salamat!" Yumuko ako para hindi niya mapansin na kinikilig ako dito. xD

" Tara?" Sumakay na kami sa kotse niya at pinatakbo na niya yun. Pero hindi dapat ako nagpapakasaya ngayon.

Today is his 5th year. 5 years na pala ang nakalipas simula nung nangyari iyon.

FLASHBACK (5 years ago)

Naglaro kami sa park ni Natsu ng volleyball. May malapit na daanan ng mga tren duon sa lugar na iyon. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, napapunta ung bola duon.

" Natsu, halika! Punta tayo duon. Samahan mo akong kunin ung bola." Pagyaya ko sa kanya.

Habang tumatakbo ako, naririnig ko si Natsu na sinasabihan akong wag pumasok.

Bago ako pumasok, nakita kong may dumadaan na tren. Ang ingay pala. Ngayon lang kasi ako nakakita ng tren habang dumadaan ito.

Pagkatapos ito dumaan, pumasok na kami ni Natsu. Kinuha ko kaagad ung bola.

" Hana, wag tayo dito banda. Delikado."

" Hindi yan! Wala pa namang dumadaan na tren eh." Pagdadahilan ko.

Tumatakbo ako habang pinapatalbog ko ang laruan kong bola.

" Kahit na. Malay mo, bigla na lang lumabas ang tren. Bawal tayo dito eh. At saka, sitahin tayo dito." Sabi niya, kita sa mukha niya ang pag-aalala.

" Hindi nga yan. Wala naman tao dito eh. Kaya okay lang." Sabi ko habang tumitingin-tingin sa paligid.

Wala naman akong nakikitang tao sa paligid. Napakatahimik ng lugar. Kami lang ni Natsu ang naglalakad. Medyo malayo ang pagitan ko sa kanya.

Dahil hindi ko tinitingnan ang dinadaanan ko, napatalbog ung bola sa paa ko at gumulong ito sa gitna ng riles ng tren. Hinabol ko naman ito at tumawid sa mga riles.

Nararamdaman ko na parang lumilindol. Teka, parang hindi lindol ito eh.

" Hana!!!" Narinig ko ang boses ni Natsu. Hawak-hawak ko ang bola ko at lumingon kay Natsu.

Tumatakbo siya palapit pero may napansin akong mas mahalaga pa duon.

Chug Chug

Nakita ko ang malaking tren sa likod ko. Napakalaki. Hindi ako nakalayo kaagad. Sa sobrang takot ko, hindi ako makagalaw.

Chug Chug

Sa isang iglap, may naramdaman akong yumakap sa akin. Ang laki ng mga kamay niya nung nilagay niya iyon sa gilid ng mukha ko.

Binuhat niya ako kaagad-agad at nakaalis kami sa gitna ng riles.

" Nasugatan ka ba? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Sunod-sunod na tanong nung kuya sa akin. Mukha siyang college student. Gwapo.

Hinawakan niya ung gilid ng mukha ko at chinecheck kung nagalusan ba ako. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

" Buti na lang... Buti na lang at nakaabot ako. I'm sorry, Hana. I'm sorry." Sabi niya, pinipilit ngumingiti.

" Sino po kayo?" Pagtatanong ko. Bakit ganyan siya makapagsalita? Kilala niya ba ako?

Nagulat naman siya. Magsasalita na sana siya pero pinigilan niya.

Teka, asan ba si Natsu? Tumayo ako kaagad at nilibot ko ang tingin ko.

" Natsu? Natsu, asan ka na?"

Pero wala akong nakitang Natsu sa paligid. Nilapitan ko kaagad ung kuya.

" Kuya, may nakita ka bang lalaki na kasing-age ko? Kasama ko lang siya kanina eh."

Nakita ko ang gulat na expression niya habang tinitingnan niya ako.

" Kuya, kailangan nating hanapin si Natsu. Ung kaibigan ko po, nawawala." Tumakbo ako at nagsimulang hanapin si Natsu.

Simula nung araw na iyon, hindi ko na nakita si Natsu at nakilala ko si Tsuna.

I Want To Go Back... To The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon