Ang Kwento ni Natsu (3)

63 0 0
                                    

Ilang araw na din ang nakalipas simula nung nilibing si Hana.

Hindi ako sinisi ng mga magulang niya. Alam nilang aksidente lang talaga ang nangyari.

" Anak, kumain ka na. Ilang araw ka nang hindi kumakain ng mabuti." Pag-aalalang sabi ni Mom.

" Wala po akong gana ngayon. Mamaya na lang ako kakain." Matamlay kong sabi. Tinalikuran ko na lang si Mom. Nakahiga ako ngayon sa kama ko.

" Anak, hindi mo kasalanan ang nangyari."

" Pero nandun ako, Mom." Humihikbi na ako. Bigla na lang umagos ang mga luha ko. " N-Nandun ako pero... hindi ko man lang n-nailigtas siya. Kahit man lang ma... mahawakan ko siya para itabi siya ay h-h-hindi ko nagawa."

Hinaplos ni Mom ung buhok ko. " Hindi mo kasalanan, Natsu. Wag mo sisihin ang sarili mo."

Patuloy pa rin akong umiyak.

Napakasakit. Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon.

...

Nagdaan ang mga taon. Naging maayos naman ang pag-aaral ko.

At lumipas na din ang nangyari tungkol kay Hana. Halos wala na sa kanila iyon.

Walang araw na hindi ko naiisip si Hana. Paminsan-minsan ay napapanaginipan ko ang aksidenteng yun.

At lagi akong nagigising kung saan mababangga na siya.

Halos hindi ako makatulog ng maayos. Ayoko matulog. Alam kong mapapanaginipan ko na naman iyon. Kung saan hindi ko naililigtas si Hana. Paulit-ulit na lang.

...

10 years after nung aksidenteng yun...

...may sasagot na sa kahilingan ko.

...

(10 years after nung aksidente...)

2nd year na ako sa College. 17 years old.

Nagkaroon kami ng field trip sa isang tanyag na Science & Technology Museum.

Habang naglalakad ako sa museum na yun, nahulog ung keychain ko na bola ang design.

Gumulong ito papunta sa isang kwarto.

Nag-aalangan akong pumasok para hanapin ung keychain pero hindi ko itinuloy ung paghahanap. May mas importante akong nakita sa kwartong iyon.

Isang malaking machine. May mga numbers sa pindutan nito. 2-digits, 2-digits, 4-digits? Parang... date?

Hindi kaya...

" Isa itong time machine." Napalingon ako ng di oras nung may nagsalita mula sa likod ko.

Isang lalaking naka-laboratory gown. Naka-glasses at semi-kalbo. Mga nasa 40 na siguro siya.

Teka, time machine ba kamo?

" Time machine? Hah! Totoo ba talaga ito?"

" Inimbento ko yan. Proven that it really worked. Want to try?" Lumapit siya sa mga pindutan.

Eto na ba yun? Ang kasagutan sa mga hiling ko? After 10 years, magagawa ko bang iligtas ulit si Hana?

Wala namang mawawala sa akin, diba? Kung totoo man ito, gusto ko bumalik. Sa mismong araw na yun.

" Date and time?" Tanong niya sa akin habang nakahawak ang mga kamay niya sa pindutan.

" XX/XX/XXXX 8:05am" Ang eksaktong panahon kung kailan mababangga si Hana.

Ililigtas ko siya. Kahit ikamatay ko man, okay lang.

Habang may ginagawa ung scientist sa controls, may sinasabi siya sa akin na dapat ko daw tandaan.

" Once na makabalik ka sa panahon na ginusto mo, hindi ka na makakabalik sa oras kung saan ka nararapat. At dahil nilabag mo ang time at history, hindi ka pedeng magkwento sa kahit sino tungkol sa pagkatao mo. Mawawala ang existence mo."

Tumigil siya ng saglit at ngumiti sa akin. " Kung gusto mo ulit bumalik sa oras at sakaling hindi mo nagustuhan ang nangyari sa nakaraan mo, puntahan mo ako dito, sa parehong time and place."

Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakatayo sa isang glass cage.

Wala na akong ibang iniisip kundi si Hana lang.

...

Kung saka-sakaling makita mo ako, mamumukhaan mo ba ako? Kahit hindi ko sabihin?

Hindi ko na ulit papayagan na mamatay ka ulit. Kaya na kitang iligtas ngayon.

Poprotektahan kita. Kahit 10 years na ang nakalipas para sa akin, ikaw pa rin ang mahalaga sa akin.

I Want To Go Back... To The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon