Next Day...
" Aalis na po ako, Mommy." Sabay kiss sa cheeks niya.
" Ah sige. Mag-iingat ka. Hindi mo ba kasama si Tsuna ngayon?"
" Hindi po. Ako lang naman po mag-isa ang pupunta eh."
" Ah ganun ba? Magdala ka ng pasalubong pag-uwi ah?"
" Ah... sige po. Mauuna na ako."
Lumabas na ako at tumawag ng taxi. Pero walang taxi ang pumara kundi isang familliar na kotse.
" Tsuna?!"
Tama... Si Tsuna nga.
" May pupuntahan ka?"
" Meron. Pero... bakit alam mong aalis ako?"
" Hindi naman sa alam ko. Ano... uh... yayayain sana kita eh. T-Tama! Punta tayo sa... Fun House. Libre ko." Sabi niya na parang hindi sure sa sasabihin.
" Ah ganun ba? Sa WM din ako pupunta eh."
o.O
Lumabas siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pintuan.
" Tara?"
" Hindi mo na kailangan pa gawin yan eh." =///_////= Masyadong gentleman naman siya.
Pumunta na ako sa passenger's seat at magseseatbelt na sana nang...
T-Teka... naka-stuck ung etong bakal na inilolock (sa seatbelt). Kahit anong higit ko, hindi ko mabunot.
Pumasok na si Tsuna sa sasakyan. Mukhang napansin niya ata na medyo problemado ako.
" Anong problema?"
" Na-Naka-stuck ung sa seatbelt."
Lumapit siya at sinimulang higitin ung sa seatbelt. Grabeh! Super lapit niya. Amoy na amoy ko ung nakaka-adik na pabango ng mga lalaki. Ramdam ko rin ung paghinga niya at parang 3 inches lang ata ung agwat namin eh. >////< Teka! Hindi ako makahinga! Masyadong malapit!
" Teka lang ha, Hana? Medyo ma-mahirap nga higitin." Lumapit pa siya ng onti.
Yaaahh!!!! Super lapit!
Napapatingin ako sa labi niya ng di oras eh. O////O
Napatingin siya sa akin. Natulala lang kami pero bigla ko siyang inuntog. Sakit nga eh.
Lumayo na siya.
" S-Sorry, Tsuna. Hindi ko sinasadya."
" O...Okay lang. Salamat na din."
Nag-start na din ung kotse at dali-dali niyang pinaharurot ung sasakyan.
Sa WM...
Pumunta kami sa Fun House at bumili si Tsuna ng mga tokens. More than 100... No, wait. 200+ ata ung tokens na binili niya! * w *
Nakakamiss naman. Parang kami lang ni Natsu.
O////O
Nagulat ako nang bigla ako hinawakan ni Tsuna ang kamay ko.
" Nakatulala ka na naman. Hindi ka na nagbago simula nung huli... nung una tayong nagkita." Ngumiti siya. Pero alam kong fake na naman yun.
" At ikaw din. Hindi ka na rin nagbago sa pagiging misteryoso at pagsasabi ng mga weird things." Pagsagot ko.
Napatahimik siya. Lalong naging malungkot ang mga mata niya habang nakatingin sa mga kamay naming magkahawak.
" There's nothing I can do about it." Bulong niya but I can hear it quite clearly.
...
Naglaro kaming magdamag hanggang sa naubos na namin ung mga tokens.
Pagkatapos ay pumunta na kami sa paborito naming kainan ni Natsu. Siguro eto ung unang beses kong dinala si Tsuna dito. Sana gusto niya din kumain dito.
" Ako na mag-oorder. Ganun pa din ung sayo, diba?" Ano daw? Alam niya ba ung order ko?
" I mean, tapsilog pa din ba sayo?" Dagdag niya. Mukhang masyado yata akong kilala nitong lalaking ito eh.
" Ah ou. Yun nga. Maghahanap lang ako ng upuan natin ha?" At naglakad na ako.
Nung makahanap na ako ng pwesto ay dali-dali akong umupo kaagad.
Hmm... paano kaya nalaman ni Tsuna ung paborito kong pagkain dito? Eh hindi naman ako kumain ng tapsilog nang kasama siya dati eh. Minsan talaga ang weird niya. Buti nalang at... mahal ko siya eh. =////=
Natsu... 12 years old ka na din katulad ko. Ano kaya itsura mo kung buhay ka pa ngayon? Cute ka pa din ba katulad dati? Or gwapo katulad ni Tsuna?
Ahehe. Baliw na ata ako eh. Hindi pa din ako makapaniwalang wala ka na. Hindi ko talaga kayang makalimot. Lalo na at nandun din ako sa mismong lugar na iyon.
Patawarin mo ako, Natsu.
Wala akong nagawa noon.
Nasaan ka na ba?
Kanina pa kita hinihintay.
Matagal na akong naghihintay
Pero bakit wala ka pa din?
Tuwing naiisip kita, nalulungkot ako.
Sana walang nangyaring masama sayo.
BINABASA MO ANG
I Want To Go Back... To The Past (Completed)
RomanceShort Story Genre: Romance, Fiction Isang maikling kwento tungkol sa dalawang taong nawalan ng minamahal sa buhay. Nakilala ni Hana ang isang binatang nagligtas sa kanya noon. Napakamisteryoso niya at kilala na niya si Hana. Pero ngayon pa lang niya...