Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. At ang malakas na...
Chug Chug
Dali-dali kong binuksan ang mga mata ko at tumakbo kay Hana.
Chug Chug
Nakatingin lang siya sa paparating na tren.
Niyakap ko siya nung lumapit ako. Ang liit ni Hana sa mga kamay ko.
Matagal na panahon na pala ang lumipas. 7 years old lang pala si Hana. Napakacute pa din niya.
Namiss ko siya. Sobra.
Binuhat ko siya at inalis kaagad sa daanan. Muntikan na nga ung paa ko eh.
" Nasugatan ka ba? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Tinitigan ko ang mukha niya. Ganun pa din ang itsura niya. Hinawakan ko ung gilid ng mukha niya at chineck kung may mga sugat ba siya.
" Buti na lang... Buti na lang at nakaabot ako. I'm sorry, Hana. I'm sorry." Pinilit kong ngumiti. Napakasaya ko at pinipilit kong hindi umiyak.
Nakaupo siya habang ako nakaluhod para matingnan siya ng maayos. Hawak-hawak ko ang parehong balikat niya.
" Sino po kayo?" Nabigla ako nung nagtanong siya. Ou nga pala, hindi na pala ako si Natsu.
Gusto ko sana sabihin sa kanya pero hindi pupwede. Gusto ko pa siya protektahan. Ayoko pang mawala sa tabi niya.
Napansin kong lumilingon-lingon siya na parang may hinahanap. Tumayo siya kaagad at patuloy ang palinga-linga niya.
" Natsu? Natsu, asan ka na?"
Bakit wala dito ung nakaraang ako?
Nilapitan ako ni Hana at halos iiyak na ang mga mata niya.
" Kuya, may nakita ka bang lalaki na kasing-age ko? Kasama ko lang siya kanina eh."
Tiningnan ko lang siya. Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero...
" Kuya, kailangan nating hanapin si Natsu. Ung kaibigan ko po, nawawala." Tumakbo siya at nagsimulang maghanap.
Napalitan ko ang sarili kong existence dito sa past?
Habang tumatakbo si Hana, halos unti-unting nadudurog ang puso ko. Ang bigat sa puso. Na halos hindi na ako makahinga.
' Nandito ako, Hana. Ako ito, si Natsu.' Gusto ko sana sabihin yan sa kanya pero hindi talaga pede.
...
Madami akong gustong sabihin sayo. Madami akong gustong ikwento sa iyo.
Pero hindi maaari. Imposible pa na sabihin ko sayo.
Kapag ipinilit kong ikonekta ang mundo natin, may isa na masisira. At iyon ay yung akin.
...
Napaupo si Hana dahil sa sobrang pagod na din.
Nilapitan ko siya.
" Natsu... I'm sorry." Yun na lang ang sinabi niya. Nakatulog siya sa mga bisig ko at kinarga.
Simula ngayon, poprotektahan kita. Hindi ko papayagang mawala ka na ulit sa tabi ko.
...
Inuwi ko na siya sa mga magulang niya.
" Anong nangyari sa kanya? At sino ka?" Tanong sa akin ni Tita, mommy ni Hana.
" Ti-... Ano... Mrs. Ortiz, ako po ung... kuya ng kaibigan ni Hana. Tsuna po. Nakatulog po si Hana dahil sa sobrang pagod kakalaro sa kapatid ko." Hindi na pala ako makikilala as Natsu. Kailan kong gumawa ng sarili kong background para matago ang identity ko.
" Ang gwapo mo naman, iho. Hindi ka naman ba binigyan ng problema ni Hana?" Pinapasok niya ako at inutusang ihiga na lang si Hana sa may sofa nila.
Hindi pa rin nagbabago ang bahay. Hindi katulad nung pagkatapos mamatay si Hana. Napakalungkot ng atmosphere. Walang kabuhay-buhay.
" Naku, hindi po. Napakabait po niya. Parang gusto ko nga siyang alagaan eh. Ang cute nga niya eh." Nakatayo ako sa gilid ng natutulog na Hana.
Malungkot siyang natutulog. Parang onting bukas lang ng mga mata niya ay may tutulong mga luha.
Ayoko siyang maging malungkot.
" Kung gusto mo, pede mo naman siya bantay-bantayan. Samahan mo siya lagi. Hindi ko din kasi siya nakakasama kasi wala na akong time para sa kanya." Nginitian niya si Hana.
" Kung okay lang po sa inyo iyon, makakaasa po kayong aalagaan ko siya."
Hinawakan ko ung kamay ni Hana.
" Hindi ko na ulit siya pababayaan."
BINABASA MO ANG
I Want To Go Back... To The Past (Completed)
RomanceShort Story Genre: Romance, Fiction Isang maikling kwento tungkol sa dalawang taong nawalan ng minamahal sa buhay. Nakilala ni Hana ang isang binatang nagligtas sa kanya noon. Napakamisteryoso niya at kilala na niya si Hana. Pero ngayon pa lang niya...