5 years later...
»» Hana's POV ««
General cleaning ngayon sa bahay. Ang kalat daw ng cabinet ko sabi ni mommy.
Eh sa tinatamad akong maging organize sa loob ng cabinet ko eh. Tinatambak ko lang kasi. Hehe.
Habang inaalis ko ang mga libro, notebooks at kung anu-ano pa, nainteresado akong tingnan ang mga photo albums.
Sino bang hindi maiinteresado sa mga gamit na nakakabalik-tanaw?
Binuksan ko ang isang photo album na mukhang bago pa. Puro pictures ko 10 years to 5 years ago.
Isa-isa kong tiningnan ang mga pictures. Puro mga selfie ko. Ang cute ko pa dati. Ngayon...
...maganda na. xD
Pero bakit ganito ung mga pictures? Parang ang daming space? May pictures na walang tao at wala akong katabi.
Para bang... nawala ung tao duon sa picture.
Teka, bakit ako nag-iisip ng ganito? Wala naman akong matandaan na may kasama ako sa lugar na yan ah.
' Hana...'
Bakit malakas ang kutob ko na may kasama talaga ako diyan? Bakit wala akong matandaan na...
" Hana, wag ka na muna magbasa diyan." Sabi sa akin ni Mommy
Hinanap ko siya. Nakasilip pala sa may pintuan.
" Oh? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?"
" Huh?" Hinawakan ko ang pisngi ko. Basa pala ng luha ko. Bakit nga pala ako umiiyak?
" Hindi ko... alam." Sabi ko na lang. Pinunasan ko ang mga mata ko.
Lumapit sa akin si Mommy. Niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko.
" Mommy, alam mo ung feeling na parang may nawala sa iyo pero hindi mo alam kung ano yun? Hindi ko matandaan pero parang may nakakalimutan akong importante sa akin."
" Malalaman mo din yan. Lahat ng bagay ay may tamang panahon."
...
" Ugh... Nakakaboring naman dito. Bakit nasa Science & Technology Museum tayo nagfifieldtrip? Dapat nasa Enchanted Kingdom or Star City tayo. " Sabi ng isa kong kaibigan.
Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy ko pa ring nililibot ang mga mata ko sa paligid.
Hindi naman ako mahilig sa mga museum pero parang interesado ako dito sa lugar na ito.
Habang nagtitingin-tingin ako, may bumunggo sa akin. Hindi ko alam kung nasira ung tali ng necklace ko o natanggal lang, pero nahulog ung pendant ko. Nasipa ito papunta sa isang pintuan na alam kong bawal pasukin ng mga visitors.
Nilapitan ko ang pendant at pinulot ko ito.
Tok tok
May narinig akong ingay mula sa loob. Medyo bukas ung pintuan.
Tumingin ako sa paligid ko pero wala akong naaninag na tao.
Hindi naman ako pasaway pero hindi ko alam kung bakit ako pumasok sa loob. Basta na lang ako naglakad.
Hindi naman ako curious dun sa tunog pero kusang naglakad ang mga paa ko sa isang malaking kwarto.
Isang malaking machine ang tumambad sa akin. Nakita ko sa mga controls na may ilalagay kang digits na parang date ang format.
Teka, kung hindi ako nagkakamali... ang tawag dito ay-
" Isa itong time machine." Napalingon kaagad ako nung may nagsalita mula sa likod ko.
BINABASA MO ANG
I Want To Go Back... To The Past (Completed)
RomanceShort Story Genre: Romance, Fiction Isang maikling kwento tungkol sa dalawang taong nawalan ng minamahal sa buhay. Nakilala ni Hana ang isang binatang nagligtas sa kanya noon. Napakamisteryoso niya at kilala na niya si Hana. Pero ngayon pa lang niya...