Nandito ako ngayon sa tambayan namin. Sa may puno ng alateris.
Sa panahon ko, pinutol na ito nung habang nasa 1st year of College ako.
Bakit hindi naman sinabi nung scientist na mawawala ung existence ko sa past?
Nung nakita ako ng mga magulang ko, hindi nila ako namumukhaan. Medyo kamukha ko naman si Dad.
At nung tinanong ko kung may kilala ba silang Natsu, wala daw. Parang nawala talaga ung mga alaala tungkol sa akin.
Pero wala na akong magagawa. Bumalik na ako. Binago ko ang history.
Buti na lang at hindi ako nakalimutan ni Hana.
...
May dalawang araw na din ang lumipas simula nung aksidenteng yun.
" Ano..." Lumingon ako. Nakita ko si Hana. Naka-school uniform siya.
Nginitian ko siya. " Okay ka na ba? Sabi daw ng mommy mo na hindi ka daw kumakain. Gusto mo ilibre kita?"
Nakatitig lang siya sa akin. Parang tinitingnan niya kung anong klaseng tao ako.
" Kuya Tsuna..., tama ba?" Pagtatanong niya.
" Kahit Tsuna na lang." Nilapitan ko siya at lumuhod para matingnan siya ng mabuti.
" T-Tsuna..."
" Ano yun?"
" Salamat po."
Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung tama bang tanggapin ko ang pasasalamat niya kasi alam kong nasaktan siya na nawala si Natsu.
" Pero... paano niyo nalaman na masasagasaan ako ng tren? Nung mga oras na iyon, walang tao sa paligid. Kami lang ni Natsu ang nanduon."
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko pedeng sabihin sa kanya.
" Kapag sinabi ko sayo, baka wala na ako sa tabi mo." Yun na lang muna ang sasabihin ko sa kanya.
Tumingin ulit ako sa kanya. Medyo malungkot pa din siya.
" 'Wag ka na malungkot. Mahahanap mo din siya."
Hinawakan niya ung necklace niya. Yung couple necklace namin.
Hana, kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung gaano ko kasabik sabihin ang lahat sayo.
Pero hindi talaga pede eh. Hindi na tayo magiging katulad pa ng dati.
" Ang ganda naman ng necklace mo. Sigurado akong galing yan sa taong importante sayo."
Bigla na lang nag-iba ung expression niya. At bigla na lang tumulo ang mga luha niya.
Dali-dali ko naman pinunasan. Mukhang nalungkot talaga siya.
" Galing... g-g-galing kay... Natsu eto."
Tuluy-tuloy lang ang pag-agos ng luha niya. Humihikbi na siya.
" I'm sorry, Hana." Yan na lang ang masasabi ko. Hindi ko kayang makita si Hana na palaging umiiyak.
" H-Hindi niyo po kasalanan. Niligtas niyo lang po ako, diba?"
Pilit na ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya. " Tama. Niligtas lang kita. Yun lang ang ginawa ko."
Pinatong ko ang kamay niya sa mga palad ko.
" May tanong pa po ako."
" Anu yon?"
" Paano niyo po ako nakilala? Hindi ko naman kayo kilala dati."
Napakagat na lang ako ng lower lip ko. Ano ang sasabihibin ko sa kanya?
" Kapatid ako ng... isa pang friend ni Natsu. Pero close kami ni Natsu kaya... lagi ka niyang kinukwento sa akin."
" Ah... Si Natsu talaga. Hindi man lang pinakilalang may gwapo siyang kaibigan."
Nagsasalita lang siya pero hindi ko narinig kasi bumubulong lang siya sa sarili niya.
" Ano yun?"
" W-Wag niyo na po intindihin." Tapos bigla siyang umiwas ng tingin sa akin.
" Hana, pede bang... nasa tabi mo na lang ako palagi?" Dahil sa sinabi ko, automatic na napalingon naman siya.
" Gusto kitang protektahan. Kahit ikamatay ko pa basta mailigtas lang kita."
...
Simula na din nung araw na yun, lagi kong sinasamahan si Hana.
After 5 years, nakita kong lumaki si Hana. She reached 12. At hindi ko yun nakita for the past 10 long years.
Ang ganda niya. Kung ako pa rin si Natsu, liligawan ko na siya eh.
Palihim lang ako na nagkakagusto sa kanya. Buti na lang tinatanggihan niya ung mga lalaki na gustong manligaw sa kanya.
May gusto kaya sa akin si Hana? Sana nga totoo yun.
...
Paminsan-minsan ay pinaparamdam ko sa kanya na ako si Natsu. Kung hindi ko pede sabihin, pede ko naman iparamdam eh.
Nung birthday ko, sadya kong ipinakita kay Hana ung Natsu na nakasama niya noon.
Natuwa naman ako kasi nag-react siya. Hindi ko alam kung naiisip niyang ako ba talaga si Natsu pero at least aware siya.
...
Isang araw, niyaya ako ni Hana na samahan ko siya sa lugar na iyon.
Kung saan nangyari ang ang mga pagbabago sa buhay namin.
Kinakabahan ako lagi sa tuwing maghihiwalay kami ni Hana.
Ayoko na ulit siyang mawala.
Panu kung mangyari ulit ang nakaraan habang nandun kami?
Iniisip ko pa lang yun ay nangangatog na ang mga tuhod ko.
...
Nasa tapat na ako ng bahay nila at nakita kong dali-daling lumabas si Hana.
Ang ganda niya pala kapag nakalugay. Lagi ko lang siya nakikitang nakatali ng buhok eh.
Parang nag-slow motion ang mundo habang lumalapit siya sa akin.
" P-Pangit ba suot ko? Bakit ka ganyan makatingin?"
Nagulat naman ako sa tanong niya. Umiwas muna ako ng tingin kasi baka nakita niya ung pamumula ng mukha ko. Tiningnan ko ulit siya at nilapitan.
Haay. Ang ganda ng mahal ko.
Hinawakan ko ang malambot niyang buhok. " Hindi pangit sayo. Cute mo nga kapag nakalugay ung buhok ng ganito eh."
" Ah... ganun ba? S-Salamat!" Waah! Kinilig ba siya? Bakit siya yumuko? Nakakahiya naman ung sinabi ko. Napaka-straightforward.
" Tara?" Sumakay na kami sa kotse ko at pinatakbo.
Kung ako pa rin si Natsu na kasing edad mo, liligawan ko na talaga siya. Pero...
Wala na bang pag-asa? Kahit ako na lang na si 'Tsuna'.
...
Hindi na ako magsisisi. Nagawa ko nang baguhin ang nakaraan.
Pero bakit hindi ka na katulad ng dati? Bakit nawala na ung masayahing ikaw?
Kahit ako na si 'Tsuna' ay hindi magawang palitan si Natsu. Tumingin ka na lang sa akin.
BINABASA MO ANG
I Want To Go Back... To The Past (Completed)
RomanceShort Story Genre: Romance, Fiction Isang maikling kwento tungkol sa dalawang taong nawalan ng minamahal sa buhay. Nakilala ni Hana ang isang binatang nagligtas sa kanya noon. Napakamisteryoso niya at kilala na niya si Hana. Pero ngayon pa lang niya...