Ang Kwento ni Hana (4)

90 1 0
                                    

Hinipo ko ung necklace ko at sinubukang ngumiti.

FLASHBACK (5 years ago)

" Tapsilog ang order ko ulit ha?" Sabi ko.

" Lagi naman yun ung inoorder mo eh. Oh well, ganun pa din akin ah?"

" Parang ikaw hindi rin nagbago ng order ah? Lakas mo magtukso ah." Sinungitan ko siya. ( = 3=)

Tumawa na lang siya. Lagi na lang niya ako pinagtitripan. Kainis. Buti na lang crush ko to eh. >////<

" Oh sige. Maghahanap muna ako ng upuan natin." Pero bago siya maglakad, hinawakan ko siya sa dulo ng damit niya. Tumigil siya at tumingin sa akin. Binitawan ko naman siya kaagad.

" A... A-Ano... Ung pambayad mo? Hindi ako manlilibre 'no!" Sabay irap ko sa kanya.

" Anu ba yan. Birthday ko ngayon eh tapos hindi mo ako ililibre?" Medyo malungkot niyang sabi at binigay niya ung bayad niya.

Binelatan ko na lang siya at ngumiti. Umalis na siya.

Actually, ililibre ko talaga siya ng cake eh. Yung tiramisu at cupcakes lang naman. xD

De joke. Isang platitong chocolate cake ang isusurprise ko sa kanya. Sana magustuhan niya.

" Good morning, Mam. Dine in or take out?"

" Dine in po. Tapsilog at hotsilog nga po. Tapos ung drinks, dalawang iced tea po. Ung isa po walang ice." Kay Natsu ung walang ice kasi ayaw niya daw sa sobrang malamig.

" Sige po. Yun lang po ba?"

" Ah! Ung tiramisu po, dalawa. At chocolate cake din po." Pahabol ko. Muntik ko nang makalimutan.

Paborito ni Natsu ang mga chocolate cakes.

...

" Sorry kung matagal kang naghintay." Nabigla ako nung nagsalita si Tsuna.

Inilapag na niya ung tray. Nung nakita ko ung laman nun ay naghalu-halo ang mga emosyon ko.

May halong lungkot, pagtataka, pagsisisi, tuwa... Basta.

Nakita ko ang hotsilog, tea (iced tea na walang ice), tiramisu at chocolate cake na gustong-gusto ni Natsu. Pero bakit? Coincidence lang ba to? Bakit pareho sila ng order?

Hindi. Hindi siya si Natsu. Tsuna is Tsuna. Imposibleng siya si Natsu. Kung si Natsu siya, edi dapat magkasing-age kami.

" Nakatulala ka na naman, Hana. May problema ba?"

" Ah... eh... w-wala. May naalala lang ako."

" Si Natsu ba?" Tanong niya. Parang gustong-gusto niyang malaman kung ano ang isasagot ko. Problema nito?

" Uhh... ou. Siya nga. Miss ko na kasi siya eh." Malungkot kong sabi.

" Kaya nga icecelebrate natin ang birthday niya, diba?" Teka, paano niya nalaman?

Napansin yata ni Tsuna ung expression ko nung sinabi niya yun. " Ah... Nakita ko ung birthday niya sa... calendar mo. Ahehe."

Suspicious. * ___ *

" Kain na nga lang tayo. Baka lumamig ung pagkain natin." At kinain na niya ung hotsilog niya.

Kumain na din ako. Patingin-tingin ako sa kanya. Bakit ganun? Masyado lang ata akong attached kay Natsu kaya nagkakaganito ako.

...

Natapos na kami kumain at nag-takeout na din ako ng pagkain ni Mommy.

Inuwi na ako ni Tsuna. Pero dumaan muna kami sa isang lugar na pamilyar na pamilyar sa akin.

Sa tambayan namin. Sa puno ng alateris.

" Alam kong dito kayo lagi tumatambay ni Natsu." Sabi niya habang naglalakad kami palapit.

" Bakit ang dami mong alam, Tsuna? Stalker ka ba?"

Umiling siya. Malungkot pa din ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Since una ko siyang nakilala, hindi na natanggal ang lungkot niya. Kahit ngumingiti siya, makikita mong pilit lang yun.

" Tsuna... Big deal ba ang malaman ko ang lahat tungkol sayo?" Hinawakan ko ung dulo ng damit niya. Magkaharap kami. Nakatingin lang sa mata ng bawat isa.

" I'm sorry, Hana. I'm sorry." Hinawakan niya ung pisngi ko. " Balang araw, masasabi ko na sayo ang lahat. Kapag handa ka na."

Ha? Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Balang araw? Kapag handa na ako?

" Kailan pa ung 'handa na ako'? Gusto kong malaman. Bakit hindi pedeng sabihin? May mangyayari ba kapag sinabi mo sa akin?" Tahimik siya. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Binaba na niya ang kamay niya.

" Bukas. Diba may pupuntahan ka bukas?" Ngumiti siya sa akin.

" Wag mong ibahin ang usap-"

" Siguro... siguro sasabihin ko bukas."

Halos magkaroon na ako ng makinang na mata nung narinig ko yun.

" Talaga?! Sasabihin mo na? Okay lang ba sayo?"

Tumango siya. Pero parang napipilitan lang siya eh. Nakukulitan ata sa akin.

Ngumiti na lang ako. Gusto ko makilala si Tsuna. Gusto ko siyang tanggapin. Mahal ko siya. Kailangan ko siya. Hindi ko kakayanin kung may kukuha sa kanya balang araw.

Siya na lang ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko... bukod kay Natsu.

Nung nasa tapat na kami ng bahay ko, nagpaalam na ako sa kanya. Pero hindi niya binitawan ung kamay ko. Tinignan ko siya.

" Bakit, Tsuna?"

Ibubuka na sana niya ung bibig niya pero bigla niya din yun sinarado. Umiling na lang siya at binitawan ang kamay ko ng dahan-dahan.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot.

Hindi ko alam kung dahil binitawan niya ung kamay ko, o kaya may masama lang talaga pakiramdam ko.

Pero bakit ganun? Parang...

Parang pamilyar tong feeling na to. Hindi ko alam kung bakit.

" Bukas, 11am mo ako sunduin ha? Dun tayo sa place na yun."

Tiningnan niya ako at tumango na lang. Lumabas na ako ng kotse at pumasok na sa loob ng bahay.

Hinipo ko ung necklace.

Bukas na bukas din ay pupunta kami sa mismong lugar na iyon.

Kung saan kita nawala. Kung saan ko nakilala si Tsuna.

Kung saan muntikan na ako mamatay. Kung saan tayo huling nagkita.

At sana naman, duon na din mabunyag lahat. Lahat ng nalalaman ni Tsuna. Gusto ko malaman.

Sana... sana walang masamang mangyayari.

I Want To Go Back... To The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon