Matagal ko nang kilala si Hana. Simula nung 5 years old kami ay magkakilala na kami. Classmates kami at magka-service.
Naging close kami dahil magkakilala ang mga magulang namin.
Napakacute niya at ang ganda tingnan ng mga ngiti niyang may dimples.
I admit, crush ko siya simula nung una kaming nagkita. Crush niya din kaya ako?
...
Simula nung Kinder hanggang nung mag-Grade 2 kami, siya lang ang lagi kong tiningnan.
Nung nag-birthday ako, sobrang natuwa ako dahil siya ang nakasama ko buong araw.
Nagulat nga ako nung niyaya niya akong lumabas kami. May regalo pa nga akong kwintas at chocolate cake. * O *
...
Nandito ako sa tambayan namin. Sa may puno ng alateris. Naghihintay para kay Hana.
Birthday ko ngayon pero hindi ko alam kung tinatandaan iyon ni Hana.
" Sorry kung pinaghintay kita!" Nagulat ako nung bigla kong narinig ang boses niya. Naglalakad na siya palapit sa akin.
Nakasuot siya ng sweater at maong short with matching rubber shoes na hanggang ankle ang taas. May dala siyang backpack na kulay puti na may halong pink.
Bihis na bihis siya. Naka-polo over t-shirt at maong pants lang ako. Ayos lang 'no?
" Ah! Ou nga pala!" Sabay halungkat niya sa backpack niya. Ano kaya yun?
" Ano yun?" Pagtatanong ko. Nakatingin lang ako sa backpack niya.
May inabot siya sa aking maliit na regalo. Kulay blue ang wrapper nito. " Eto..."Nakangiti siya habang inaabot sa akin yun. " H-Happy birthday, Natsu!"
Wow! Totoo ba ito? Ang crush kong si Hana, nagbibigay ng birthday gift sa akin?
" S-Salamat. Pwede ko bang buksan?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa regalo na hawak-hawak ko. Hindi ako nananaginip diba? Napakasaya ko! May regalo sa akin si Hana. (* w *)
" Ikaw bahala. Sa iyo naman yan eh. Sana magustuhan mo."
Nung tiningnan ko siya, sa ibang direksyon siya nakatingin. Naka-pout pa siya. Kung pede lang yumakap para lang mapakita ko na napasaya niya ako... pero hindi pede. Baka isipin niya na nananatsing lang ako.
*rips*
Sinimulan ko ng punitin ung wrapper at binuksan ko ung kahon.
Nagulat ako nung nakita ko ung necklace na gusto namin.
" Wow! Itong necklace na ito... Diba ito ung lagi nating nakikita dun sa isang store na nadadaanan natin? At saka, diba couple necklace ito? Asan ung isa pa?"
Medyo kinakabahan ako. Gusto ko malaman kung nasa kanya ung isa pa.
Hinarap niya ako at may kinuha siya sa bandang leeg niya. Nakita ko ung necklace na kaparehas nang akin. Suot na niya pala.
" Syempre, dapat meron din ako. Soulmates tayo, diba?"
Soulmates? Medyo natuwa naman ako sa narinig ko. Pero... bakit suot na niya kaagad? Dapat sabay na kaming magsuot nun.
" Sayang naman."Nag-pout ako para kunwari nagpapaawa.
" Bakit? Ayaw mong ako ung soulmate mo?"Hala?! Ang lungkot na niya. Hindi, mali ka ng iniisip.
Dali-dali kong hinawakan ang mga balikat niya. Automatic naman na napalingon siya sa akin. " Hindi naman sa ganun. Gusto ko ako ang maglalagay niyan sayo eh."
" Ako nalang ang maglalagay ng necklace mo. Sa susunod ko nalang ipapakabit sayo nung akin. Okay na ba yun sayo?" Nginitian niya ako.
Tumango ako at inabot sa kanya ung regalo sa akin na necklace. Kinuha naman niya iyon at tumalikod na ako sa kanya.
Sinuot niya sa akin ung necklace. Pinipigilan ko nga ang sarili kong ngumiti kasi baka mapaghalataan ako. Baka layuan niya ako eh.
" Hana?" Napansin kong naka-stay lang kami ng ganun. Hindi siya kumikibo. Nakahawak pa din siya sa banda leeg ko.
Nilingon ko siya. Parang nakatulala ata siya. Pero kita sa mukha niya na parang may nararamdaman siya.
" Hana? Okay ka lang?" Pagtatanong ko sa kanya. Nagulat siya. Nagising na ata.
" S-Sorry. Ano... uhh... tara na?" Pilit na ang mga ngiti niya. May dinadamdam ba siya?
Habang naglalakad kami, hindi ko pa din mapigilang maalala ung expression niya kanina. Gusto ko malaman kung anong nangyayari sa kanya.
" May... May problema ba?"
" Wala naman. Hindi naman big deal."
" Pede ko bang malaman?"
Saglit siyang natahimik pero nagsalita din.
" Hindi ko alam kung bakit pero... bigla akong nakaramdam ng takot at kaba. Para bang... biglang bumigat ung puso ko tapos ang hirap huminga din. May sakit ba ako, Natsu?" Nakatingin siya sa akin. Nag-aalala siya kung meron talaga siyang sakit.
" Hindi ko din alam eh. Wala pa akong alam na sakit na may ganung sintomas. Baka pagod ka? Or may asthma ka?"
" Wala kaya akong asthma. Ang healthy ko kaya. At saka, hindi naman ako pagod ngayon."
" Well, conclusion ko lang naman yun eh."
...
Sana nga pagod lang sana yun. Pero iyon ay isang kutob.
Kutob sa hinaharap. Sa magaganap na pangyayari.
BINABASA MO ANG
I Want To Go Back... To The Past (Completed)
RomanceShort Story Genre: Romance, Fiction Isang maikling kwento tungkol sa dalawang taong nawalan ng minamahal sa buhay. Nakilala ni Hana ang isang binatang nagligtas sa kanya noon. Napakamisteryoso niya at kilala na niya si Hana. Pero ngayon pa lang niya...