'Simula'

31 1 7
                                    

"Good morning" it's Leia. One of my closest friend.

"Hi. " I smiled back. "Asan sila?" Tanong ko, kasi hindi ko makita ung iba. It's December. At onting push pa, Christmas vacation na.

"Late." as usual. Late na nga ako, mas late pa sila.

"Chix oh." Asar ko nung nakita ko si Mae. "Che, tigil tigilan mo ko Zee" nguso nya sakin.


"Sus, yan pa si Mae." Si Leia at si Mae ung pinaka close sa isa't isa. At etong babaeng mas late pa sakin na parating ung pinaka close ko.

"Ang cute mo jan Zee" Ayan nanaman siya. "Nako Ella, tantanan mo ko sa kakaganyan mo. Maaaga pa." sabi ko sa kanya sabay tawa. "Late ka!" sabi ko pa. "I know. Kelan ba hindi?"

We're second year in college. Two years of friendship. At going strong pa.

Pumasok na kami sa first class namin. Wala pa ung prof so I check my phone. May text.

Vince:

Good morning babe. Nasa school kana?

I smiled. Saka ako nag reply.

Me:

Yes babe. Ikaw? Did you eat breakfast?


"Oh, sino nanaman yan?" Napatingin ako kay Ella. "Wala to." Ngiti ko sabay tabi ng cell phone ko.


It's Vince. Not my boyfriend. Pero he's courting me. Pero hindi tulad ng iba, siya through text lang nanliligaw. Kasi malayo siya sakin. I agreed. Kasi I like him. Hindi ko pa sinasabi sa mga kaibigan ko kasi magtatanong nanaman sila ng kung anu-ano. At ayokong sumagot ng marami.

Natapos ung dalawang subjects namin at lunch na.


"Tara na. Gutom na ko" sabi ko sa kanila. "John! Payong!" sigaw ko kay John, classmate ko rin siya. Sa lahat ng lalaki sa room siya ung dikit ko. May girlfriend yan. At ang masaya, kaibigan ko ung girlfriend niya. Kaya walang problema. "Wala eh." kamot niya sa ulo. Tiningnan ko siya ng masama, "Psh. Sa bag. Kunin mo." sabi ko at ginawa naman niya. Naglakad kami papunta sa canteen para kumain. We're like that. Para kaming aso at pusa. But believe it, magkasundo kami niyan.



After naming mag lunch, may 1 hour vacant pa kami kaya tumambay muna kami sa tambayan namin dito sa campus. Eto yung place na kami lang yung pwede. Well, exclusive. HAHA.



At dating gawi, kanya kanyang pwesto.
Leia with his boyfriend. Since first year pa yang dalawang yan. Kahit madalas mag away, aba stick together hanggang ngayon. Si Ella naman, kasama ung #bestfriend nya na si Erick. Na mukha namang onting tulak pa, eh mauuwi rin sa pag ibig. Pinapatagal pa. Si Mae, single but looking for someone din yan. Si John, ayun ka-date ang cell phone dahil sa girlfriend nyang malayo. Ldr sila. Pati ung iba pa naming kaibigan nandito. At ako, eto naka tunganga rin sa cell phone ko.


WALANG REPLY! Baka busy? Hayyy. Bakit ko nga ba pinasok tong ganito? In the first place, I really don't believe in LDR relationships. But here I am. Taking risk at something that I don't believe in.

Nag type ako ng text ko sa kanya.

Me:

Hoyyyy! May klase na ko.

Tas tinago ko na ung phone ko. One thing about me? MALDITA. :D

"Guys, alam kong kanya kanya kayo ng pag ibig dyan pero naniniwala pa rin akong walang forever. Kaya pasok na tayo." sabi ni Mae na isa isa kaming tiningnan. I rolled my eyes. Sabay tayo.


Dumaan ung dalawa pa naming subjects at uwian na. Parang wala man lang nangyaring maayos ngayon.


"Whooooh. Sa wakas tapos na ang pahirap." Sigaw ni John na. Tiningnan ko siya. "Mag drop kana lang kaya?" sabi ko sabay tawa.


Eh baliw eh, nag enrolled pa kung halos ayaw namang pumasok. Sabagay, kapag vacant halos ayaw paawat sa kaka dota. Ewan ko nga bat nakakatagal girlfriend niya dyan. Pero takot lang niya kay tita kapag may binagsak siyang subject.


At dahil sa wala na rin naman na kaming gagawin, dumaan muna kami sa tambayan namin. Maaga pa para umuwi. At ayoko tumambay sa bahay.


"Wait lang, mag c-cr lang ako." Paalam ko sa kanila. "Mae, samahan mo ko." tawag ko sa kanya. Tapos pumunta na kami ng cr.


Nag hilamos ako, kasi pakiramdam ko sobrang lagkit na ng mukha ko. "Pahingi ako ng powder." kalkal ni Mae sa bag ko. "Andyan sa bag, hanapin mo nalang." Sagot ko sa kanya. Nag ayos lang din ako tapos pumunta na kami sa tambayan.

Syempre ganun pa din ung pwesto. "Si John?" tanong ko sa kanila nung napansing wala nanaman siya. "Alam mo na kung asan." sabi ni Ella sakin sabay baling ulit kay Erick. "Psh, di ba siya nag sasawa kakadota? Araw araw nalang." sabi ko.

"Naku, hayaan mo na yun. Ldr eh. Haha" sabi ni Mae sakin ng naka tawa. Wala naman akong choice. Bahala nalang siya kay tita. Ang hirap lang ng may binabantayan. -.-

Narinig ko unh phone ko tumunog. Sinilip ko kung sino.

Vince:

Hi babe. I'm sorry, busy lang. Pati sa practice.

Yeah. He's always like that. Pero ok lang, bumabawi naman sa time.

Me:

Ok lang. Katatapos lang din naman ng klase namin.

Wala pang isang minuto nung nag reply ulit siya.

Vince:

Good. Kumain kana ba? I miss you babe.

As ever, onting ganyan niya lang napapangiti na ko.

Me:

Hindi pa nga eh. Wala pa ko sa bahay. Mamaya nalang. I miss you too babe.

"Uyyy. Pa babe babe kana ah. Sino yan?" nagulat ako nung nakita ko si Mae, naka dungaw sa phone ko. I blushed. "Si Vince." sabi ko. Dahil nakita na rin naman niya. E d sabihin na.


"Oh? Vince? Saang lupalop naman ng Pilipinas mo yan nakilala?" Ayan na ung mga tanong na iniiwasan ko. "Social media." sagot ko. As usual, medyo nagulat siya. "Social media? Pano? Nagkita na ba kayo?" As I thought. Q and A na ang mangyayari dito. Buti nalang may ibang mundo ung dalawa. "Hindi pa sa personal. But we're planning to meet. At isasama ko kayo." Paliwanag ko sa kanya. Ayoko rin namang mag isa na magpakita dun. Kahit na ganyan na kami sa isa't isa, I still don't give my trust in Him. Lalaki pa rin siya. 

Tumango siya. "Ahh. Eh kelan naman?." tanong niya. "Hmm, siguro kapag wala na tayong pasok. Bago mag bakasyon." Sagot ko. "Sa seaside." Dugtong ko pa. Kasi alam ko namang un ung itatanong niya, kung saan. "Sige sige, gusto ko yan. Nang makilatis namin yang Vince na yan." Medyo malakas na sabi niya kaya narinig nung iba.


"Hoy! Sino yang Vince na yan ha?!" Sigaw samin ni Leia . Hindi ko tuloy alam pano siya sasagutin. "H-haa?" Medyo nauutal kong sagot. Kasi naman Mae. Nako.


"Ehem. Sinong Vince?" Pagtataas ng kilay ni Ella sakin. Tingnan mo, isa pa to. Hindi talaga ko makakatakas.


"Guys. Uwi na kami." Biglang singit nung iba naming kaibigan. Kaya nalipat ung atensyon nila dun. Wooooh, medyo nahimasmasan ako. Ayoko kasi sumagot ng sumagot sa mga nakakamatay nilang tanong.


"Maaga pa ah?" Hindi ko alam kung tanong ba yan o statement ni Kel. Boyfriend ni Leia . "Wala pre eh, bawi bawi din ng tulog. Kita kits nalang bukas." Paalam nila. Tapos isa isa na silang nag alisan.


"Bye na din." Tumayo ako tapos akmang paalis na rin. Kaso bago pa ko maalis, hinarang naman ako nung dalawa.

"Anong bye na din?" Taas kilay na tanong ni Leia sakin. "Uuwi na ko?" Balik tanong ko rin sa kanya ng naka ngiti. Baka sakaling paalisin ako.

"Uuwi, uuwi. Hindi diyan ka lang." Pagkasabi niya niyan, nawala ung ngiti ko. Walang epek eh. "Kwento na Zee ." Sabi ni Ella.

Kaya ayun. Naubos ung laway ko kaka sagot sa mga tanong nila. Grabe, magkaron ka nga naman ng tatlong kaibigang daig pa nanay mo. Samahan mo pa ng isa sa malayo. Si Yhra. Yung girlfriend ni John.

Pero of all this things, thankful ako kasi meron akong SILA.

------

_avhzhl

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon