Inaayos ko na ung dining table. Mag didinner muna kasi kami.
"Oh anak, ok kana dyan?" Tanong ni mama pag labas niya sa kusina.
"Opo ma." Sagot ko naman.
"Asan na daw ba sila?"
"Papunta na siguro yung mga yun. Baka nag aayos lang po ng gamit." Sagot ko ulit kay mama.
"Zee, andyan na ung mga bisita mo." Sabi sakin ni Aling Nita. Kasama namin sa bahay.
"Ah sige po, papasukin niyo nalang po." Sabi ko sa kanya at tinapos ko na ung pag aayos sa lamesa.
Palabas palang ako ng dining area, rinig na rinig ko na ung mga boses nila.
"Hi Zee...." Malakas na bati ni Leia sakin. Nginitian ko naman siya.
"Grabe, parang hindi nagkita kanina?" Natatawang sabi ni Ella.
"Eh bakit ba? Overnight to eh." Depensa naman ni Leia.
Oo tama. Mag oovernight sila dito para lang mapag usapan ng maayos ung problema ko. At hindi rin ako sigurado kung problema nga ba yun.
"Oh, asan si Mae?" Tanong ko nung mapansing wala si Mae.
"As usual, susunod daw siya.." Sabi ni Leia.
"Ahhh.." Pagtango ko sa kanila.
"Oh, andyan na pala kayo." Biglang labas ni mama.
"Hi tita, good evening po." Si Leia yan. Parang hindi nauubusan ng energy.
"Good evening tita." Pag bati naman ni Ella.
"Good evening din. Bakit parang kulang kayo?" Takang tanong din ni mama nung mapansing wala pa si Mae.
"Susunod nalang daw ma." Sabi ko sa kanya.
"Ah, ganun ba. Oh, kumain muna kayo at nagluto ako." Pag yayaya ni mama.
Habang kumakain kami, bigla namang dumating si Mae.
"Andyan kana pala Mae." Bati ni mama kay Mae. Sakto kasing nilalabas ni mama ung dessert.
"Hi tita, good evening po." Bati naman ni Mae kay mama.
"Kain na." Sabi ko sa kanya.
"Hindi na, kumain na ko." Pag tanggi naman niya.
"Ay bawal yan! Bawal tumanggi. Sayang, masarap pa naman ung luto ni tita." Pangongonsensya ni Leia kay Mae.
"Oo, umupo ka dyan. Bawal hindi kumain. Pauuwiin." Pang aasar pa ni Ella.
"Oo na oo na, eto na oh. Kakain na." Natatawang sabi ni Mae.
Natapos kaming kumain. Umakyat na kami sa kwarto ko at inayos na nila ung higaan. Sa lapag kami matutulog. Hindi kasi kami kasya sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Novela Juvenil'When I met YOU It was MAGIC We polar opposites But attracted like We we're magnets'
