Am I a cheater?
Did I do something wrong?
Is it all my fault?
"Zee!!!"
"Fuck." Napamura ako sa gulat ko. "Ano ba yun?!" Kunot noo kong tanong kay Mae.
"Tulala ka kasi. Kanina pa kami daldal ng daldal dito. Tapos hindi mo man lang kami pinapansin." Mahaba niyang paliwanag.
"Ha? Ano ba yun?" Nagtatakang tanong ko sa kanila, kasabay ng paglipad ng mga iniisip ko kanina.
"We're talking about the text you sent us last night." Paliwanag ni Ella.
"What about that?" Wala sa sarili kong tanong.
"Anong what about that?" Singit ni Leia.
Pinilit kong alalahanin kung ano ba yung tinext ko sa kanila. "Shit." Bulong ko sa sarili ko. *We're done* those are the exact words na tinext ko sa kanila. No wonder they're wonder.
"Mind to tell us?" Mahinahong tanong ni Mae.
Huminga ako ng malalim. "Kagabi. He's here." Panimula ko.
"Eh diba sabi mo kahapon mag lilibrary ka?" Takang tanong ni Ella.
Tumango ako sa kanya. "Oo nga. Gumawa ako ng report."
"And you didn't know na pupunta si Vince?" Tanong pa ulit ni Mae.
"Hindi. Wala rin kahit isang text. Alam ko kasing busy siya kaya hindi na rin muna ko nang abala. Busy rin ako sa report ko." Mahabang paliwanag ko.
"Why the break up?" Tanong ni Leia.
"He saw me. Sa library." Putol ko sa sinasabi ko. Kinakabahan ako. SIYA nanaman kasi yung dahilan kung bakit magulo.
"Tapos?" Halatang bitin na tanong ni Ella sa sasabihin ko.
Huminga muna ko ng malalim bago ako nagsalita. "With Kris."
"Again?" Gulat na tanong ni Mae. "The last time I saw the two of you, eh halos maghalikan na kayo. Don't tell me.…" Nanlalaki yung mata niya habang titig na titig sakin.
"What are you thinking?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Baka kasi kung anu anong iniisip niya.
"Don't tell me, nag kiss kayo?!" Ako naman yung nanlaki ang mata sa sinabi ni Mae.
"The hell no!" Naiinis kong sabi. Kasi hindi naman talaga.
"Ehhh ano nga? Bakit nagkaganun kayo ni Vince?" Pag uusisa pa ni Ella.
"Gumagawa kasi ako kahapon ng report. Patapos na ko. Biglang sumulpot si Kris. Hindi ko naman na siya pinansin kasi pagod na ko. Uuwi na rin dapat ako, kaso sa sobrang pagmamadali ko sumabit yung paa ko sa upuan. Tapos muntikan na kong makipag lips to lips sa semento. Good thing naman nasalo ako ni Kris. Pero yun lang yun." Huminga ulit ako ng malalim. "I was about to say thank you nung mapansin kong kakaiba yung ngiti niya. Kinabahan ako bigla kasi hindi siya sakin naka ngiti." Mahabang paliwanag ko sa kanila.
"Tapos?" Leia.
"Tapos nung nakapag thank you na ko, lumingon ako sa likod ko. And then there." Yumuko ako. Dahil naalala ko nanaman yung pangyayari kagabi. "I saw Vince standing. I can't even move sa sobrang gulat. Pero tumakbo pa rin ako para habulin at makausap siya. And when I finally got the chance to speak with him, kung anu ano ng sinabi niya. Hindi ko nga naipaliwanag yung nangyari eh. Tapos siya yung nakipag break. He ended everything without hearing anything from me." Pagtatapos ko.

BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Jugendliteratur'When I met YOU It was MAGIC We polar opposites But attracted like We we're magnets'