6th Part

8 1 2
                                    


Lutang akong umuwi ng bahay. Hindi ko pa rin tapos ung report ko. Next week na to. At aaralin ko pa.







Nagising ako. Tiningnan ko ung relo, at 3am palang. Hindi pa pala ko nakakapag palit ng damit. Siguro sa sobrang pagod ko, nakatulog nalang ako bigla.








Kinuha ko ung cellphone ko. Hindi ko pa rin alam kung anong sasabihin ko kay Vince. But I want to be honest.







Me:

Babe. I'm sorry.





Yun lang ung sinabi ko. At natulog nalang ulit ako.







Pag dating ko sa school, nagulat ako kasi nakita ko sa parking lot ung kotse ni Vince. Anong ginagawa niya dito?






Medyo kinabahan ako. Pero natutuwa akong makikita ko siya.







"Zee...." Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko siya malingon. Natatakot akong makita siya.








"Zee." Napa angat ako ng tingin nung may tumawag pa sa harapan ko.






Sa oras na to, hindi ko alam kung matutuwa pa ba ko, o gugustuhin ko nalang umalis sa lugar kung san ako nakatayo.








Hindi ako nakagalaw. Ang bigat ng bawat pag hinga ko.







"Babe...." Sabi nung lalaking naka tayo sa harap ko.








Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan ung ekspreayong pinapakita niya..








"Vince..." Dahan dahan kong banggit sa pangalan niya.








Unti unti siyang lumapit sa akin...








Nginitian ko siya kahit alam kong isang pilit na ngiti lang ung maibibigay ko.








Pagka lapit niya sa harapan ko, hinawakan niya ung mukha ko..








"You're pale..." Deretsong sabi niya sakin..







"Hmm.." Napapikit ako dahil sa pag hawak niya sa mukha ko. At pag dilat ko, naka ngiti na siya. At sa likuran ko siya nakatingin. Kinabahan ako kasi alam kong iisang tao lang ung andun.









"Anong ginagawa mo dito?" Bigla kong tanong sa kanya para malipat ung atensyon niya sa akin.








Dahan dahn siyang tumingin sa akin at inakbayan niya ko. "Bakit? Masama bang dalawin ung girlfriend ko?" Mapang asar niyang sabi sakin.








At kahit hindi ko alam kung anong sasabihin ko, pilit pa rin akong ngumiti at umiling.. "Hindi ah.." sabi ko sa kanya.








Hindi na ko nagtangkang lumingon pa sa likod. Natatakot ako sa kung anong maari kong makita doon kahit namang alam ko na kung ano iyon. Hindi ko lang talaga maintindihan itong nararamdaman ko.








Naglakad kami ni Vince papasok ng school.







"Siya ba?" Biglang salita ni Vince sa gitna ng katahimikan naming dalawa.








Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon