"Zee!" Narinig kong may tumawag sakin kaya lumingon ako.
Si Ella pala. "Oh bakit?" Tanong ko sa kanya pagka lapit niya sa akin.
"Tapos kana sa report mo?" Tanong niya sakin.
Hala, oo nga pala. Nakalimutan ko. This week na pala yun. Shit.
Umiling ako sa kanya bilang sagot. Naglalakad na rin kami papunta sa room.
"Oh? Diba this week na yun?" Tanong niya pa ulit.
"Oo nga eh. Mamaya nalang, dun ako sa library. Gagawin ko ung matatapos ko." Sabi ko sa kanya at sakto namang nasa room na kami.
Ang dami ng nasabi at napaliwanag nung prof, pero ni isa yata walang pumasok sa utak ko. Ano bang nangyayari sakin.
"Huy Zee, okey ka lang?" Kalabit sakin ni Mae. Tinanguan ko lang siya. Tumingin ulit ako sa harap. Baka sakaling may maintindihan na ko.
Nag dismissed na ung klase. At hindi ko alam kung bakit nagkaka ganito ako.
"Zee, ano bang problema?" Si Leia yan. Naglalakad na kami papuntang canteen.
"Ha? Wala naman." Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Sana na-convinced siya sa sagot at ngiti ko.
"Wala? Pero halatang lutang ka. Tapos di mo pa nasagot ung tanong sayo kanina ni Sir." Derederetsong sabi ni Ella. Naalala ko nanaman yun, nakakahiya. Napatayo tuloy ako.
"Napapaisip lang kasi ako." Sabi ko sa kanila.
"Oh saan naman?" Tanong ni Mae.
"Kay Vince." Sagot ko.
"Mahal ka nun. Wag mo ng isipin." Pabirong sabi ni Leia.
Hindi ako sumagot. Nag lakad nalang ako.
"Class dismissed." Pagkaalis nung prof, tumayo na din ako para pumunta ng library dahil gagawin ko pa yung paper works. At kailangan kong makarami ng gawa.
"Zee, uwi kana?" Biglang tanong ni Mae kaya napahinto ako at nilingon ko siya.
"Hindi pa. Sa library lang. Gagawin ko yung report ko." Sagot ko sa kanya. Tinanguan lang nila ko at nag paalam naman ako sa kanila. May kanya kaya yata silang gagawin kaya mag isa lang ako ngayon.
"Hayyy.. Sana makarami ako ngayon." Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang library.
Pagkadating ko, wala masyadong tao. Buti naman. Para walang nagbubulungan sa paligid ko. Nilapag ko yung gamit ko sa lamesa. Iiwan ko muna para makapag hanap ako ng mga kakailanganin kong libro.
Nakakatatlong libro na ko. At naiisip ko pa rin si Vince. "Aaaarrggghhh. Mamaya kana manggulo sa utak ko. Please lang." Pag rereklamo ko habang naghahanap pa ng libro.
"Ginugulo na pala kita. Sorry na." Napatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita sa likod ko.
Hindi ko siya nilingon. Kunyari wala akong narinig. Lord, bakit ngayon pa? Sabay sabay naman. Isa isa lang po.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen Fiction'When I met YOU It was MAGIC We polar opposites But attracted like We we're magnets'