"Kamusta report?"
"Ay palaka!"
"Ay grabe. Bad Zee! Mukha na ba kong palaka?" Pagmamaktol ni Mae. Naka nguso pa. Hahahaha.
"Kasalanan ko? Ikaw tong nang gugulat. Tss" Pagtataray ko sa kanya.
"Mean!" Sigaw pa niya. "Whatever you say Mae." Bulong ko.
"Ano yun?"
"WALA!"
"So ang report?" Tanong niya ulit.
"Smooth. Mamaya uli." Simpleng sagot ko.
Everything went well. From morning till afternoon class. At eto naglalakad nanaman ako papuntang library. At sana wala ng kupal sa tabi tabi.
"Finally, matatapos na. Whooo." Mahina kong sigaw dahil sa excitement na nararamdaman ko. I can peacefully sleep later.
"Mukhang masaya ka ah."
"Ay bakukaw!" Napasigaw ako sa gulat.
"Sshhhhh" Saway sakin ng librarian kaya napatakip ako sa bibig ko.
Speaking of bakulaw. May nag eexist pa pala. Kupal pa.
"Hard. Ang gwapo ko para maging bakulaw."
Ang yabang talaga. "Who cares?" Sabi ko sa kanya.
"Ang sungit naman. Kinakausap lang eh."
"E d maghanap ka ng ibang kausap mo." Sabi ko ng hindi siya nililingon.
"Eh ikaw gusto ko eh."
Hindi ko na siya sinagot at gusto ko nalang matapos tong ginagawa ko.
I checked my wrist watch. 8pm na.
"Buti nalang tapos na." Huminga ako ng malalim pagkasabi ko nun. Feeling ko nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Haha.
"Tapos kana?"
"What the fu..." Hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi tinakpan niya ng daliri niya yung bibig ko.
"Ano ba?" Reklamo ko sa kanya.
"Akala ko kasi bakulaw nanaman sasabihin mo. Hahahaha"
"Nababaliw kana." Sabi ko sa kanya habang nililigpit yung gamit ko.
"Wala kang kasabay?" Tanong niya.
"May nakita ka ba?" Pambabara ko.
"Meron."
Tiningnan ko siya ng nagtataka.
"Ako." Seryoso niyang sabi. Sabay ngiti. Baliw talaga, bwiset.
"Tss. In your face." Nagmadali akong maglakad para makalayo sa kanya.
Pero shit talaga. At bago ko pa mahalikan yung sahig, nakita ko nalang yung mga braso ko na nakahawak kay Kris.
Eto nanaman yung kakaibang pakiramdam. Tagustagusan nanaman yung pakikipag titigan niya sakin.
"Okey ka lang?" Nag aalalang tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Tumango lang ako.
Itinayo niya ko ng dahan dahan. Hindi ko na siya matingnan sa mukha dahil sa sobrang hiya. Pero kailangan ko lang magpasalamat.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen Fiction'When I met YOU It was MAGIC We polar opposites But attracted like We we're magnets'