4th Part

8 1 2
                                    



Kadarating ko lang sa school. Hindi ko rin alam kung bakit naisipan kong pumasok ng maaga. 2 hours pa bago ung first period namin kaya malamang, mamaya pa sila dadating.




Pumunta muna ko sa tambayan namin. Dahil maaga pa nga. Dito muna ko habang wala pa sila.





Nilabas ko ung phone ko. Mag s-soundtrip nalang ako.






Habang naka headset ako, tinext ko si Vince.





Me:

Hi babe. Good morning. Ingat sa pag pasok. :)




Nag reply naman agad siya.

Vince:

Good morning to the most beautiful lady. Kumain ka ba? Take care. Mahal pa kita. ;)






And with that, napangiti nanaman ako. Daily routine ko na yata ang itext si Vince. Well, wala naman kasi kaming ibang communication bukod sa text at chat.




I replied.





Me:

Ang aga babe! :P Mahal din kita.





Totoo naman. Mahal ko siya. I won't say yes if I didn't. Ok kami. Kahit malayo.






Nakaramdam ako ng gutom. Kaya naman napag pasyahan kong pumunta ng canteen.





Naglalakad na ko.... May narinig akong sumisitsit pero hindi ko nililingon. Kinabahan ako bigla. Kasi wala naman masyadong tao kasi nga maaga pa.




Nag derederetso lang ako ng lakad. Hindi naman siguro ako yun. Kaya binalewala ko nalang.





"Tss. Gusto pa tinatawag..." Narinig kong sabi niya kahit hindi ko siya nililingon. At hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko yung boses na yun..





"Malds...." Mahinahong tawag niya sakin. Kaya unti unti ko siyang nilingon...




"Kups..." Mahinga kong sabi habang papalapit siya sakin. Kupal kasi yan. Kaya ganun...





"San ka pupunta?.." Takang tanong niya sakin..




"Sa canteen..." Deretso kong sagot tapos nag lakad na ulit ako..





"Oh teka lang naman. Sama ako.." Habol niya sakin. Nasa tabi ko na siya kaya hinayaan ko nalang..




"Wala kang klase?" Tanong niya.. "Mamaya pa.. " Sagot ko sa kanya kaya tumango naman siya..





Nilingon ko siya.. "Eh ikaw?.." Takang tanong ko. Kasi pagala gala na siya..





"Mamaya pa din..." Nakangiti niyang sagot sakin.. "Tinitingnan ko lang ung mga magiging rooms ko para ok na mamaya.. " Dagdag pa niya. Kaya napapatango nalang ako sa pag sang ayon sa mga sinasabi niya.






Nakarating kami sa canteen.. Wala namang pila kaya bumili na agad ako.. Sandwich at juice lang ung binili ko. Iaabot ko na sana ung pera ko kaso naunahan ako ng kupal na katabi ko.





"Bayad niya po.." Abot niya sa tindera. Kaya agad naman akong napalingon sa kanya ng nakataas ang kilay...





"Ohh, kilay mo. Maldita talaga.." Mapang asar niyang sabi sakin..





Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon