It's 8:25am. At inaantok pa ko. Pero kailangan ko ng bumangon. Para naman hindi ako magmadali sa pag kilos.
Bumaba muna ko para makapag breakfast. Wala si mama sa kusina at malamang pumasok na un si kuya. Naka ready na ung kakainin ko kaya kumain nalang ako tapos umakyat ulit ako.
Pag dating ko sa taas maliligo na sana ako kaso tumunog ung phone ko. Kaya tiningnan ko muna.
Mae:
Zee, daan ako dyan sa inyo ah. :P
Me:
Ok. :) ikaw bahala. Maliligo na ko.
Pagka tapos ko siyang replayan, dumeretso na ko sa banyo. Hindi ko muna tinext si Vince. Mamaya nalang.
Natapos na kong maligo at inaayos ko na ung sarili ko ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Bago ko pa siya papasukin nasa kama ko na siya.
"Tama na yan, maganda kana!" Asar niya sakin. "Tss. Pinapasok na ba kita?" Taas kilay kong pang aasar sa kanya.
"Hindi." Taas noo niyang sagot. "Oh eh bakit parang ikaw na ang may ari ng kwarto at feel na feel mo yung pag higa dyan sa kama ko?" Pagtataray ko sa kanya pero naka ngisi ako. Ganyan lang talaga kami mag asaran.
"Tse! Damot neto. Parang hindi kaibigan. Tandaan mo, kapag wala kang yellow pad, sakin ang takbo mo." Pagmamaktol niya sakin. Natawa naman ako sa inasal niya kaya inirapan ko nalang siya. Pati ba naman yun ginawa pang dahilan. Ibang klase.
Natapos akong mag ayos ng sarili ko pero si Mae andun parin sa kama ko.
"Hoy babae. Ano? Diyan ka nalang?" Panggugulo ko sa kanya. "Ay, tara na ba?" Tanong niya sabay tayo.
Pagka baba namin, nagpaalam lang ako kay mama tapos umalis na kami. Pag dating namin sa school, halos kumpleto na sila.
"Oh ayan na pala sila Zee eh." Bati samin nila Ella. "Oh? Asan na yung nag prisintang mag d-drive?" Takang tanong ni Mae nung napansin niyang wala pa sila Leia .
Napanlingon ako nung narinig kong may bumusina sa banda namin. "Oh ayan na pala sila eh." sabi ko nung nakita ko na sila Kel.
Bumaba si Leia para tawagin na kami, pero si Kel hindi na. "Guys, let's go." Pang gigigil ni Llia dahil halatang excited na siya. Natawa nalang ako.
Kanya kanyang daldalan kami habang bumabyahe papuntang seaside. Medyo magulo at maingay kasi nag aasaran sila. Medyo natatawa na nga lang ako kasi parang ngayon lang kami bumyahe ng sama sama.
Nag headset nalang muna ko kasi medyo inaantok din ako.
"Zee.... Huy Zee...." Naramdaman kong may mahinang sumasampal sa pisngi ko. "Hmm.." Nag inat inat ako pag dilat ko. At nakita ko si Mae sa harap ko. "Tara na sa baba. Andun na sila oh. Tayo nalag andito." Sabi niya tapos bumaba na rin siya.
Dinilat dilat ko pa ulit ung mata ko tapos tiningnan ko ung labas. Andito na nga kami. Kahit pang ilang punta ko na dito, hindi pa rin ako nag sasawa. Ang ganda kasi ng view. Kahit medyo may kalayuan sa amin.
Bumaba na rin ako. Tapos sinundan ko sila dun sa bahay kubo. Medyo malaki ung kubo para sa aming lahat. Ever since dito na talaga kami madalas nagpupunta. Refreshing kasi. Tahimik, at wala masyadong tao.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen Fiction'When I met YOU It was MAGIC We polar opposites But attracted like We we're magnets'