3rd Part

11 1 2
                                    


Naalimpungatan ako at pag tingin ko sa alarm clock ko, 5:00 am palang. Kaya pumikit ulit ako.




Ang bilis ng oras. Kinapa ko ung alarm clock ko nung narinig kong tumunog. Pakiramdam ko ang ikli ikli lang ng itinulog ko.




Wala kaming pasok ngayon. Sabado. Kaya naman hindi ako nag aalalang bumangon agad. Hinanap ko yung cell phone ko. Pag tingin ko, may text si Vince.




Binubuksan ko palang ung message, naka ngiti na agad ako.




Vince:

Good morning babe. :) How's your sleep? Bakit ganun? Namimiss na kita.


Shit. Hahaha, ang aga aga kinikilig ako. Ano ba to!




Nag type agad ako ng sagot ko.


Me:

Good morning din babe. Okey na okey yung tulog ko. :)) Ikaw? Namiss agad? Parang kahapon lang kasama mo naman ako.





Habang inaantay ko yung reply niya pumunta muna ko sa cr para makapag hilamos.




Hindi muna ko nag bihis kasi wala naman akong pupuntahan.




Tiningnan ko nalang uli ung cell phone ko.



Vince:

Oo nga eh. But I don't know. Gusto ulit kita makasama :)


Me:

Soon :)





Napa higa ulit ako. Natutuwa ako. O kinikilig?





Lumipas ung buong weekend na nasa bahay lang ako.




"Huy Zee, naks! Blooming." Nakangiting bati sakin ni Mae.



"Oo nga. Iba ngiti eh..." Dagdag pa ni Ella.




Tiningnan ko sila. "Tigilan niyo nga ako..." Pero naka ngiti pa rin talaga ko.



"Asusss naman. May Vince na kasi.." Isa pa tong si Leia .



Tinawanan ko nalang sila. Hindi ko kasi alam kung anong irereact ko sa mga pinag sasabi nila.





It's been two weeks mula nung nagkita kami ni Vince. Malayo siya kaya bibihira lang kaming magkita.




Nagising ako sa tunog ng cell phone ko. Si Vince.


Vince:

Good morning babe. :)


Nireplayan ko naman siya. Ang aga pa kasi. It's only 7:00 am. May pasok ako pero mamayang 10:00 pa.


Me:

Good morning :)



Hindi ko pa nalalapag ung phone ko nag reply na kaagad siya.

Vince:

May gusto sana akong itanong.



Ano naman kaya to.


Me:

Ano un?


Takang sagot ko sa kanya.



Vince:

I know hindi tayo palaging magkikita. Pero I wanna take the chance.


Pabitin niyang reply. Napaisip naman ako lalo.


Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon