Nagising ako ng maaga. 12 pa yung klase ko kaya mamaya na ko mag aayos. Tinatamad pa rin naman ako.
Kinapa ko yung phone ko. Tiningnan ko kung may nag text. At MERON! At halos lahat GM lang. Yung iba pm.
Ella:
Zee, what time ka papasok?
Nireplayan ko siya.
Me:
11:00 :)) kita kits.
Tapos chineck ko ung iba. Pero nung nakita ko na yung gusto kong makita, binuksan ko kaagad ung text.
Vince:
Hi babe. Good morning :)) Maaga pasok ko today. Mag breakfast pag gising. Take care.
Para akong baliw na naka ngiti mag isa. Nireplayan ko kaagad siya.
Me:
Good morning babe. Kakagising ko lang. Ingat sa pag pasok. Ikaw, nag breakfast ka ba? :)
Nilapag ko muna ung cellphone ko tapos nag hilamos muna ako. Pag labas ko ng cr, tiningnan ko kung may reply siya. At meron ulit. Para tuloy akong timang dito.
Vince:
Thank you babe. Yep, nag breakfast na ko. Ikaw kumain kana. Don't skip ;)
Me:
Yes po. I won't. :)
Pagka tapos nung pag uusap namin, bumaba na din ako. Nagugutom na din kasi ako.
"Good morning baby." Si mama yan. "Good morning din ma." Ngiti ko sa kanya.
Tinitigan ako ni mama. Kaya medyo nailang naman ako. "Ma, bakit po? May dumi ba ung mukha ko?" Pagtataka ko. "Wala naman anak, ngiting ngiti ka lang kasi." Pagkasabing pagka sabi nun ni mama, pakiramdam ko namula ung mukha ko.
"Good morning ma, good morning Zee." Bati ni kuya pag baba niya tapos hinalikan kami ni mama sa noo.
"Good morning kuya." Ngiti ko kay kuya. "Oh, mukhang maganda gising natin ngayon bunso ah." Sabi ni kuya sakin. "Kain na tayo, gutom na ko." Nguso ko sa kanila. Para hindi na nila punahin ung umaga kong maganda.
Pag tapos naming kumain, umakyat ulit ako sa taas. Chineck ko ung bag ko para palitan ung mga notebooks ko ng schedule na subjects ngayon.
Biglang may kumatok. "Zee." Boses ni kuya. Sabay binuksan na niya yung pintuan.
"Bakit kuya?" Tanong ko sa kanya ng hindi siya tinitingnan.
"Anong oras ka papasok?" Tanong ulit niya. "11 ako papasok. Bakit?" Sabay tingin ko sa kanya ng nagtataka.
"Ahh. Wala naman. Sabay kana sakin. Mamaya pa rin ako aalis." Di pa ko nakakasagot sinarado na niya yung pinto. Wirdo rin to eh, kapag gusto ko sumabay, ayaw niya. Kapag naman ayoko, mag aaya. Ang labo talaga.
Di ko nalang yun pinansin masyado kaya tinuloy ko nalang yung gunagawa ko.
Nung nag 10:00 o'clock na, naligo na ko saka nag ayos. Tapos bumaba na ko para makasabay ako kay kuya.
"Ma, si kuya?" Tanong ko kay mama pag baba ko. "Nasa taas pa, bakit?"
"Eh kasi isasabay niya daw ako ngayon." sagot ko kay mama. Tumango si mama tapos umakyat para tawagin si kuya.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen Fiction'When I met YOU It was MAGIC We polar opposites But attracted like We we're magnets'