Sa araw araw ng aking pagbangon
ikaw ang palagi kong binibigyang tuon
kasi hindi makukumpleto ang araw ko
kapag hindi naririnig boses mo.
Pasensya ka na sa kaadikan ko
kung palagi kong pinapatugtog mga kanta mo
ang sarap kasi ng iyong boses
kaya palagi kong pinapakinggan ng ilang beses.
Nabibigyan mo ng ibang areglo o istilo
kapag sinimulan mo ng kantahin yung bawat liriko
Kahit na hindi talaga sayo yung kanta
naaangkin talaga sa bawat pagkaskas mo ng 'yong gitara.
Pero mas bumilib ako sayo
sa mga komposisyong gawa mo
mas lalo mong pinatunayan sa madla
na may ibubuga ka rin pala.
Sana mabasa mo itong simpleng tula
kahit hindi mo kilala ang akda
basta andito lagi ako
nag-aabang at susuporta sa magiging album mo.

BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoetryPoem. Tula. Balak. Ito ay mga katha ko patungkol naman sa isang tula. Sa pamamagitan din nito ay nababahagi ko ang aking pagka-makata. Dito ay nakakagawa ako ng mga tula patungkol sa aking mga idolo na artista, musikero, maging sino man o mga ano. M...