Pamilyang Pilipino

5.4K 9 4
                                    

Hindi lahat ng pamilya ay perpekto

Hindi maiiwasan ang away at gulo

Pero sa pamilyang pilipino

Nagagawan ng paraan ang lahat ng ito.

Kung pag uusapan ang pamilya

Nagmamahalan ang bawat isa

Nandyan si nanay na siyang ilaw ng tahanan

Si tatay naman ang haligi na siyang sandigan.

Maingay at magulo ang tahanan

Dahil ang mga anak ay nandiyan

Sila ang dahilan kung bakit kumakayod

Si nanay at si tatay na walang pagod.

Matibay ang pamilyang pilipino

Palaging nagsisimba kasi relihiyoso

May takot at pananalig sa panginoon

Na siyang sentro ng pamilya simula noon.

Dumating man kahit anong problema

Buo nila itong haharapin bilang pamilya

Kahit nahihirapan na sila

Hindi nila bibitawan ang isa't isa.

Mabuhay ang pamilyang pilipino

Hindi basta basta sumusuko

Buong pamilya nilang kakaharapin

Sa may planong sila ay gigibain.

Lalabanan kahit sino ang sisira

Dahil alam nilang magtatagumpay sila

May tiwala sa pagmamahalan ng bawat isa

At hindi matitinag basta basta.

Palagi lang nating iisipin

Kahit anong unos man ang sapitin

Nandyan palagi ang pamilya natin

Laging nakasuporta sa atin.

Ang Aking Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon