habang wala at hinihintay ka pa
nagbabasa ako ng mga nobela
mga romantiko at may halong komedya
parang baliw na kinikilig mag isa
ganito kasi ang mga gusto kong tema
habang wala at hinihintay ka pa
nanonood din ako ng mga pelikula
hindi mga romantic kundi yung mga nakakatawa
gusto ko kasing manood ng mga romantiko
basta ikaw na ang kasama ko
habang wala at hinhintay ka pa
fangirl muna ako sa mga gwapong artista
pang inspirasyon ko lang naman sila
kapag ikaw ay dumating na
pangako, ikaw lang talaga
habang wala at hinihintay ka pa
nakikinig din ako ng mga kanta
naghahanap nga ako ng mga pwede
pwedeng themesong natin kung sakali
at sabay nating kakantahin na nakangiti
habang wala at hinihintay ka pa
mamamasyal muna ako ng mag isa
o kasama mga kaibigan ko at pamilya
kapag dumating ka na sa aking buhay
mamasyal tayo habang magkahawak kamay
habang wala at hinihintay ka pa
naiinggit ako sa aking mga nakikita
mga magkasintahan na mahal ang isa't isa
magiging ganyan din tayo o higit pa
isisigaw kung gaano natin kamahal ang isa't isa
habang wala at hinihintay ka pa
magpapakabait talaga ako ng sobra
ganyan din ang gawin mo sana
mag aral muna tayo ng mabuti
at sa magulang makinig ng maigi
habang wala at hinihintay ka pa
palagi kitang pinagdarasal sa tuwina
na sana maayos at palagi kang masaya
sana magkita tayo sa oras na itinakda
excited na kasi akong makilala ka
habang wala at hinihintay ka pa
palagi kong iniisip kung ano iyong mukha
ano kaya ang itsura at ugali mo?
sana maging magkasundo tayo
at mamahalin mo ako ng totoo.
grabe, habang wala at hinihintay ka pa
ang dami kong mga planong nailista na
hindi ko alam kung mangyayari ba talaga
sana hindi ako paglaruan ng tadhana
masasaktan talaga ako ng sobra
Kitakits nalang sa ating hinaharap
hihintayin kita habang nakatitig sa mga ulap
wag kang masyadong matagal
baka sa maling tao ako mapamahal
kaya wag kang babagal-bagal.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoesíaPoem. Tula. Balak. Ito ay mga katha ko patungkol naman sa isang tula. Sa pamamagitan din nito ay nababahagi ko ang aking pagka-makata. Dito ay nakakagawa ako ng mga tula patungkol sa aking mga idolo na artista, musikero, maging sino man o mga ano. M...