Hoy Mr. Pakipot

364 5 2
                                    

Sa tuwing makikita ko siya sa umaga

hindi ko naman mapigilan ang tuwa

agad-agad akong nagpapansin

kapag napatingin na sa akin.

Sa tuwing uupo na siya sa kanyang silya

tatabi naman agad ako sa kanya

hindi niya alam na palagi ko siyang tinititigan

kilig na kilig naman ang aking nararamdaman.

Sa tuwing magsasalita siya,

agad akong nakikinig sa kanya

sa bawat salitang kanyang binibigkas

tila isang awit ang katumbas.

Sa tuwing may kakailanganin siya,

ako ang palaging tumutulong sa kanya

palaging nag aabang na akoy tawagin

lalapit agad na kasing bilis ng hangin.

Sa tuwing may kasama kang ibang babae,

lumuluha ako sa isang tabi.

Hindi mo ba alam o manhid ka?

Gusto siguro ito ay isigaw ko pa.

Alam ko namang alam mo

itong nararamdaman para sayo

Bakit hindi mo ako magawang ligawan?

Sasagutin naman kita at hindi pahihirapan.

Gusto mo ako nalang ang manligaw

sa buong madla aking isisigaw

hindi po ako desperadang babae

hindi ko lang gustong magsisi sa huli.

Kailangan bang haranahin kita?

Bigyan ng tsokolate at bulaklak?

Isang tula nalang kaya?

Baka ikaw ay magalak.

Tatanggapin ko naman ang pasya mo

masaya kung ako'y mahal mo

babangon naman kung tatanggihan mo

sadyang ang pag ibig lang ay ganito.

Wag mag alala kung akoy masaktan

ito naman ang aking kagustuhan

iniibig mo rin ba ako

o kaibigan lang sayo?

Ganito yata kahirap ang umiibig

iinom ko nalang ng isang basong tubig.

baka puso koy mahimasmasan

itong kakaibang nararamdaman.

Oh aking Mr. pakipot

Ano na ang iyong sagot?

Huwag kang matakot

hindi ka naman mananagot.

Ang Aking Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon