Tahimik na minamasdan ang mga bituin
Malamig na simoy ng hangin
Nakikinig sa musika ng paligid
Habang nakaupo dito sa may gilid.
May biglang tumabi na di kilala
Tiningnan ko naman siya ng masama
Ngunit ngumiti lang siya
At tumingala sa mga bituing maganda.
Nandito sa upuan gabi-gabi
Palaging nakatingin sa langit
Binibilang mga bituing maririkit
Bigla naman siyang darating at tatabi.
Pero ganun pa man
Ako ay lihim na naliligayahan
Subalit sa tuwing tatabi siya sa akin
Hindi naman niya ako pinapansin.
May lihim kaya siyang pagsinta sa akin?
O ako lang ay isang asyumerang naghahangad rin
Siguro'y nagpapahangin o may hinihintay na iba
Kung ganun, paano na ako sinta?
Aaminin kong natamaan ako sa kanya
Ang gwapo niya kasi ng sobra
Hindi ako magtataka kung siya'y may nobya
Ang masasabi ko lang, maswerte ang babae sa kanya.
Iimikan ko na sana siya para magpakilala
Pero ako ay napahinto at napagtanto
May biglang humalik siguro kanyang nobya
Hindi man lang nila naisip na ako'y naiinggit kaya.
Ang saya nilang tingnan
Ako nama'y napatingin sa kalangitan
At napahiling bigla sa mga bituin
Na sana'y makita na aking iibigin.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoetryPoem. Tula. Balak. Ito ay mga katha ko patungkol naman sa isang tula. Sa pamamagitan din nito ay nababahagi ko ang aking pagka-makata. Dito ay nakakagawa ako ng mga tula patungkol sa aking mga idolo na artista, musikero, maging sino man o mga ano. M...