Ako ay nagtataka
Ano nga ba talaga?
Kabataan ngayon ay naaadik
Kpop invasion dito na nakakahindik.
Isa na rito ang EXO
Grupo ng mga gwapo
Mahusay kumanta na may kasama pang sayaw
Na lalo ka talagang mapapa wow!
Alam ko na kung bakit
Kabataan ngayon naaakit
Kahit kanta hindi maintindihan
Kanila pa talagang nasasabayan.
Hindi ako isang kpop adik masyado
Nakita ko minsan kanilang music video
Agad nahumaling sa WOLF na kanta
Sinamahan ng sayaw na kakaiba.
Sa hindi inaasahang pagkakataon
Ako'y nabagot pakikinig sa kantang laging baon
Napagpasyahan Kpop naman pakinggan
Kahit liriko ay hindi maintindihan.
Sa pagsasaliksik na ginawa
Sa mga bagong kpop na kanta
Sila ang palaging bukambibig
Mga kabataan na sa kanila'y umiibig.
Mapa-youtube,facebook o twitter man
Palaging tumitrending kapag sila ang napag-uusapan
Sila ang palaging bumibida
Kahit sila ay bagohan pa.
Sa mga fans hitik na hitik
Na natamaan talaga ng lintik
Maraming fanclubs ang nabubuo
Nagkalat pa sa ibang panig ng mundo.
Maging ako ay napopogi-an
Na meron talaga silang ka-charmingan
Kapag mabigyan ng pagkakataong makita ang EXO
Isang group hug lang panalo na ako. Yohooh!
Mapa EXOtic o EXOdicted ka man
O isa kang loyal number one fan
Alam kong handa mo silang suportahan
EXO ang pangalan.
Tatlong letra ang kanilang pangalan
Tatlong salita sana'y pakinggan at maintindihan
"Mahal ko kayo" mula sa aking puso
na katumbas sa inyo ay "saranghaeyo".
May ginawa po pala akong video ni Kris. .pindutin niyo lang yung external link para Makita niyo. .thanks!
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoetryPoem. Tula. Balak. Ito ay mga katha ko patungkol naman sa isang tula. Sa pamamagitan din nito ay nababahagi ko ang aking pagka-makata. Dito ay nakakagawa ako ng mga tula patungkol sa aking mga idolo na artista, musikero, maging sino man o mga ano. M...