Nung una palang kitang makita
ako ay agad mong nakuha
kinukulit ako ng aking puso
upang malaman ang pangalan mo.
Nung kita ay nakilala na
Isipan ko naman hindi mabahala
Palagi ka kasing nasa isipan
Tumatakbo ng walang kapaguran.
Gumagawa ng paraan
Upang ako ay matingnan
Nagsimula na ngang mapansin niya
Ako naman ang tinamaan ng hiya.
Gusto niya daw akong makita
Upang ako na ay makilala
Ako ay nagpakipot muna
Para isipin na hindi ako basta-basta.
Napagdesisyunan na makipagkita
Baka siya ay mawalan ng gana
Sayang naman ang pagkakataon
Hindi maitagong ako'y kinikilig ngayon.
Sa may ilalim ng puno
Maraming bulaklak tumutubo
Kami ay nagkasundo
Doon ay magtatagpo.
Nauna akong dumating sa kanya
Naghihintay ako ng maligaya
Iniisip na ang gusto kong sabihin
Na ako'y may tinatagong pagtingin.
Makalipas ang dalawang oras
Sisipot pa kaya siya?
Luha'y unti unting lumalabas
Hindi na yata siya darating pa.
Wala man lang pasabi
Nakiramay pa sa sawi
Ulan ay bumagsak bigla
Ang langit sa aki'y naawa.
Gusto ko nalang mabasa
Sakit na nadarama ay mawala
Pagkatapos ng unos na ito
Sana'y tumibok muli ang aking puso.
Bigla nalang may sumigaw
Pangalan ko'y umalingawngaw
Tumakbo ako papalayo
Ayokong makita niyang ganito.
Sa kakatakbo'y ako'y nadapa
Hindi nakita ang kahoy na natumba
Pinilit kong makatayo
Upang dito ay makalayo.
Nakatayo siya sa aking harapan
Ako'y kanyang tinulungan
Nakita kung gaano siya'y nag alala
At niyakap niya lang ako bigla.
"Sarili ko ay masisisi
kung may masamang nangyari.
Ako sana ay patawarin."
Buong puso niyang sinabi sa akin.
"Iniibig kita alam mo ba?
Hindi ko nga lang sayo'y maipakita,
mahal kita oh aking sinta."
Sa kanyang pag amin ang puso ko'y lumigaya.
Hindi ko inakala
Ako'y kanyang sinisinta rin pala
"Mahal na mahal din kita"
tanging nasabi ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoésiePoem. Tula. Balak. Ito ay mga katha ko patungkol naman sa isang tula. Sa pamamagitan din nito ay nababahagi ko ang aking pagka-makata. Dito ay nakakagawa ako ng mga tula patungkol sa aking mga idolo na artista, musikero, maging sino man o mga ano. M...