Kung ikaw ay nagtataka
Bakit ganito ang titulo ng aking tula
Hindi ko rin alam ang sagot
Sapagkat ang iyong lingkod ay nababagot.
Humingi sa aking kaibigan
Magiging titulo upang aking gawan
Tumawa lang siya at nagtataka
Kaya naman karton ang naibigay na salita.
Ako na raw ay nahihibang
Gusto ko lang naman malibang
Ano ba raw ang aking ginagawa
Eh di sumusulat ng tula na aking likha.
Kung nagtataka kayo
Ano bang silbi ng tula kong ito
Gusto ko lang kayong tumawa
Sa tulang iyong binabasa.
Tumatawa ka na ba?
Lakasan mo pa ng mas konti pa
Para mabawasan ang iyong problema
Natulungan pa kita.
Wala mang patutunguhan
Itong tula sanay nasiyahan
Salamat pa rin sa iyong oras
Binasa mo ito hanggang sa wakas.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoetryPoem. Tula. Balak. Ito ay mga katha ko patungkol naman sa isang tula. Sa pamamagitan din nito ay nababahagi ko ang aking pagka-makata. Dito ay nakakagawa ako ng mga tula patungkol sa aking mga idolo na artista, musikero, maging sino man o mga ano. M...