Teen King at Teen Queen
nang sila ay bansagan natin
loveteam na ating tinitingala
kung magpakilig ay sobra.
Bilib ako sa kanilang tambalan
maraming mga solid na fans
mapa bata man o matanda
kinikilig talaga sa kanilang dalawa.
Isa ako sa mga solid na fan nila
kinikilig pag sila'y magkasama
pangarap ko sila ay makita
lalong lalo na kay Daniel Padilla.
Hanggang ngayon hindi nagbabago
sa kasikatan na kanila'y natatamo
may magandang ugali na panalo
kaya naman biniyayaan pa lalo.
Alam kong kapag may mang away sa kanila
reresbak agad ang mga fans na mahal talaga sila
hindi nila hahayaang masaktan
dahil alam na nila ang katotohanan.
Malayo pa ang mararating
marami pang darating na blessings
lalo pa kayong pagkakaguluhan
pagtitilian at kakikiligan ng karamihan.
Inspirasyon kayo sa kabataan
maging isang magandang huwaran
ang gusto ko lang para sa inyo
maging solid kayo lalo.
Sana magkita naman tayo
kapag nagka time kayo.
kathniel forever aking inspirasyon at hahangaan
kahit na anong mangyari, peksman!
Sana mabasa niyo ito
isang simpleng tula para sa inyo
talagang idol ko kayo
kaya nasulat ko ito.
Isang kiss mula kay Kathryn na maganda
isang hug naman mula kay Daniel Padilla
sana ako'y inyong mapagbigyan
kathniel walang iwanan forever yan!
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoetryPoem. Tula. Balak. Ito ay mga katha ko patungkol naman sa isang tula. Sa pamamagitan din nito ay nababahagi ko ang aking pagka-makata. Dito ay nakakagawa ako ng mga tula patungkol sa aking mga idolo na artista, musikero, maging sino man o mga ano. M...