Patawad

219 1 0
                                        

Nung una tayong magkakilala
Inibig mo agad ako bigla
Nagulat ako sa pinagtapat mo
Inisip kong ito ay isa lang biro

Tinanong mo agad ako
Kung pwede ba akong ligawan
Agad naman kitang sinabihan,
"Hindi pa ako pwede sa bagay na yan"

Kinulit kulit mo na naman ako
Ang sabi moy ikay maghihintay
Ikaw ay aking sinaway
Ayoko lang na umasa ka sa tulad ko

Hindi ka pa rin nakinig
Pinaramdam mo ang iyong pag ibig
Nais mo talagang patunayan
Puso mong tunay na nilalaman

Lumayo ako sayo
Hindi na kita kinikibo
Ayoko lang na mapalapit ka pa
Para damdamin mo sa akin mawala

Sumusulyap ako sayo minsan
Hindi ko kasi maiwasan
Natahimik na kasi ang paligid
Na palaging maingay sa bawat gilid

Ang dating masasaya mong mata
Napalitan ng lungkot at luha
Maaliwalas mong mukha
Napalitan ng kalungkutan.

Pagsisisihan ko talaga ito
Pinakawalan pa ang isang tulad mo
Kung handa na lang sana
Itong duwag kong puso.

Makakalimutan mo rin ako
Alam kong makakaya mo
Mapapana ka rin ni kupido
Sa tamang tao na nakalaan para sayo.

Salamat sa pag ibig na pinaramdam
Pag ibig na hindi ko nasuklian
Patawarin mo sana
Isang tulad kong nasaktan ka.

Ang Aking Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon