Ang bawat isa sa mundo ay may sariling love story. Yung iba, tapos na. Yung iba, ginagawa pa lang. Yung iba, nagaantay pa rin. At may iba na di na umaasa pang muli. Pero syempre, lahat ng tao ay gusto sumaya pag dating sa love story ng buhay nila.
Pero...
Naranasan mo na bang masaktan? Manakit? Nagising ka na ba sa katotohanan o nagbubulagbulagan ka pa rin sa kanya? Masaktan dahil ipinagpalit? Nanakit dahil sa dating sakit? Masaktan dahil sa katotohanan? Nanakit dahil sa isang kasinungalingan? Masaktan dahil naging option ka lang? Nanakit dahil may iba kang mahal? Masaktan dahil pinaasa ka lang? Nanakit dahil hindi mo talagang gusto ang taong iyon? Ilan lang yan sa mga katanungang maraming makakarelate.
Ang kwentong ito ay para sa mga taong nainlove, hiniwalayan, binalikan, umaasang babalikan, nasaktan, nanakit, at masasaktan pa lamang. Para sa mga SNM (Sinaktan, Nanakit, Masasaktan pa lamang).
BINABASA MO ANG
Para sa mga SNM.
Teen FictionHindi natin kontrol ang mga nasa paligid natin. Hindi natin alam kung anong mangyayari ngayon, bukas, at sa susunod pang araw. Kung ano man ang meron tayo ngayon ay maaaring wala na bukas. At kung ano man ang wala natin ngayon, ay maaaring meron na...