Chapter 1.7: Regrets

38 3 6
                                    

Binitawan ko na ang phone ko. Humiga ako. Nakatulog ako. Pagkagising ko, 11:00 na ng gabi. Madilim. Tahimik. Bukod sa ikot ng elesi ng electricfan, hininga ko lang ang naririnig ko. Tinignan ko agad ang cellphone ko. Nagulat ako sa nakita ko.

(Message Sending Failed)

--

Huminto ang mundo ko. Parang na-stun ako ng mga 5 seconds bago mag-process ang utak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naiinis ako sa network kanina. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit hindi ko man lang tinignan yung phone kung nag-send ba o hindi. Nakakainis na araw. Araw ng kamalasan. Imbes na propose day naging malas day. Hay nako. Tadhana nga naman oh. Makatulog na nga lang. Tomorrow is another day. Sana hindi siya nagalit sakin. Magpapaliwanag na lang ako sakanya. Sana hindi siya nagalit. 

--

(Saturday Morning)

Sa tuwing inaalala ko yung mga nangyari kahapon. Naaasar ako. Yung hindi ko nabasa text niya. Yung nagfailed yung text ko. Lahat puro kamalasan. Siguro, kailangan ko na siyang itext. Magpapaliwanag ako sakanya.

Mae, Goodmorning. Sorry. Magkita naman tayo mamaya? Sa SM North, MCDO. 12:30 PM. Hihintayin kita Mae. Hihintayin kita. 

Makikipagkita ako kay Mae ngayon. Sana pumunta siya. Sana hindi siya nagalit sa'kin. Sana hindi pa dito nagtatapos ang lahat. SANA.

Nag-antay ako ng reply galing kay Mae. 10:00 na, pero wala pa. Pero, pupunta pa rin ako. Mag-hihintay ako. Dumating man siya o hindi. Tatanggapin ko yun. Pero syempre, sana dumating siya.

--

(11:00 AM)

Handa na ako. Pero, kinakabahan ako. Kasi baka mamaya, hindi naman siya pumunta. Baka nagalit na siya sa'kin. Baka isipin niya, binabalewala ko na siya. Baka isipin niya, ganito rin ako pag dumating yung araw na... Haaaaaaay. Pero sana hindi. Sana hindi. Sana. Sana.

Umalis na ako sa bahay namin. Naka green poloshirt ako, naka maong, at nakasapatos na itim. 

--

(12:00 PM, SM North MCDO)

Napaaga ako ng dating sa tagpuan namin. Pero, okay na rin. Atleast hindi niya na ako hihintayin. Wala pa rin akong narereceive na text mula sa kanya. Pero, it doesn't mean na aalis na ako dito. Maghihintay ako. Kahit ako na magsara ng SM North. Maghihintay ako. 

--

(12:30 PM, SM North MCDO)

12:30 na. Darating na siguro siya. Kailangan ko ng maghanda. Ahmmm, Mae, sorry kahapon. Ay, panget. Pa'no kaya sasabihin ko? Mae, sorry. Nagkasakit kasi ako kahapon eh. Maniwala kaya siya? Ah, basta. Tapos, hindi ko pa nabasa yung text mo. Hayaan mong ngayon ko linawin kung ano yung ipalilinaw mo sakin. Please Mae. Sorry. Pwede na siguro 'to. Pwede na siguro.

--

(1:00 PM, SM North MCDO)

1:00 na. Darating pa kaya siya? Baka natraffic lang siguro o kaya naman nalate ng gising kaya late niya nabasa yung text ko. Konting hintay pa. Alam ko na, text ko na lang ulit siya.

--

Mae, nasaan ka na? Dito na ako sa Mcdo ng SM north. Hihintayin kita dito ah? Text mo na lang ako pag dating mo dito sa SM North. Pupuntahan kita. 

(Message Sent)

Jec? 

(Itutuloy)

Para sa mga SNM.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon