Chapter 1.3: Mae.

60 4 2
                                    

(1 message received)

Bubuksan ko ba? Baka siya na to? Bukas na lang? Sige na nga ngayon na.

(Show Message)

From 8888, 

Ang iyong GOUNLI30 ay expired na. Mag-register muli sa pamamagitan ng pagtetext ng GOUNLI30 to 8888. Salamat.

Ay P*tcha! Sana pala. Di ko na lang binuksan. Badvibes naman oh. Sa dami dami ng pwedeng magtext, 8888 pa! Hay! Makatulog na nga. Gabing gabi na.

(Kinabukasan)

Syempre pumasok ako. Maaga akong dumating sa school. Medyo maganda gising ko ngayon. 

Tan: Pre, review ka ba?

Jec-jec: Hindi nga eh. Napuyat ako kagabi. 

Tan: Yan tayo eh! Sino na namang kapuyatan mo kagabi? Dapat pinagreview mo naman! Ikaw talaga oh. Tsss.

Jec-jec: Hindi naman si Mae yung tinutukoy ko pre. Atsaka, wala no. Napuyat lang ako kagabi dahil sa kakafacebook.

Tan: Napakababaero mo naman talaga eh no. May Mae ka na. May bago ka pa jan. 

Jec-jec: Ikaw, napakaloko loko ka talaga eh no? 

Tan: Porke, friendzoned ka lang kay Mae. Naghahanap ka na agad ng kapalit?

Jec-jec: Ay, siraulo ka talaga eh no? Pre naman, alam mo naman kung gaano ko kaloyal kay Mae.

Tan: Oo naman. Kahit nga finriendzoned ka na. Nandiyan ka pa rin para sakanya. Yieee! Hahaha.

Jec-jec: Syempre no. Marunong naman kasi akong maghintay. Hindi katulad mo. Ang tagal tagal mo ng single. Pa'no. Magkakagusto na lang. Sa imposible pa. HAHAHA.

Tan: Change topic please. Ano nga pala yung concept ng Receivables? Di ko kasi talaga magets yun eh.

Jec-jec: Aba malay ko. Di nga ko nagbasa eh. Manghuhula na lang ako mamaya. Tutal multiple choice naman. 

Tan: Gagi! Multiple blanks exam dun. Ang multiple choice, theories. Pero yung computations, blanko.

Jec-jec: Ay sh*t! Di ko yan alam. Yari!

Tan: Jec, yan na si maam.

Jec-jec: Aw! Pano na yan? No choice. Bahala na. 

From 7:30 to 11:30, nag-exam kaming ACTG-2A. As usual, nganga sa exam. 60% ako nung first take namin sa quiz. Pa'no, 2/10 lang nakuha ko. Theory pa. At feeling ko, yung exam kanina? Mga 60% pa rin makukuha ko dun. Buti na nga lang 50 base si Maam eh. Kasi kung hindi, malamang sa malamang shift na talaga ako next sem.

Jec-jec: Tan, hirap ng exam no?

Tan: Badtrip talaga. Ano sagot mo dun sa receivables net sa number 8?

Jec-jec: 24,500 ata. HAHAHA. Nanghula lang naman ako eh.

Tan: Alam mo ba, nakuha ko rin yan. Kaso, pinalitan ko ng 26,500. Ininclude ko pa yung isang item eh.

Jec-jec: Ahhh. Bahala na. Ilan ka pala nung first take natin?

Tan: Wag mo na tanungin. 

Jec-jec: Ilan nga? Ako nga, 60% lang e. Theory lang natama ko.

Tan: Buti ka nga 60 eh. Ako 55% lang. Putragis kasing theory yan. Ang hirap! Lakas makatrue or false ni Maam eh.

Jec-jec: Hayaan mo na. Buti nga nagparetake eh. Choosy pa? Haha.

Tan: Kaya nga eh. May discussion pa pala mamaya no? Grabe. Nakakapiga ng utak.

Jec-jec: Oo nga eh. Pero, nagpaalam ako kay Maam na uuwi na ako. 

Tan: Weh? Bakit? Saan ka pupunta? Anong meron?

Jec-jec: Sabi ko aalis kami ni mommy. Pero, ang totoo. Tinatamad lang talaga ako. Ayoko kasing magduscuss eh. 

Tan: Hay nako. Ikaw talaga. Inaatake ka minsan ng katamaran ano? Nga pala, kamusta na pala kayo ni Mae? Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah?

Jec-jec: Diba kanina sabi mo friendzoned ako? Eh, okay naman kami. Medyo good friends. Kaso, mukhang friends lang talaga. Nahihirapan na nga ako eh.

Tan: Hayaan mo na. Antay antay lang. Nanliligaw ka na ba?

Jec-jec: Actually, hindi pa. Pero, nagpaparamdam na ako. At alam kong alam niya at ramdam nya na yun. Pero, pag nagkaroon na ko ng lakas ng loob. Dun na talaga ko gagawa ng move. Tsaka, alam ko namang tutulungan mo ko sakanya eh. 

Tan: Oo, ako bahala sayo. Pero, pag di kaya. Tigil na ah?

Jec-jec: Oo ba! O, pano? Uwi na ako ah. 12:00 na rin kasi. May pupuntahan pa ko. Sige na. Bye! 

Tan: Sige. Ingat!

---

Habang naglalakad ako palabas ng campus. Nakita ko si Mae. 

Jec-jec: Mae! Uuwi ka rin?

Mae: Uy Jec. Oo. Uuwi ako. Sumama kasi pakiramdam ko eh. Ikaw? Saan ka pupunta? Uuwi ka rin ba?

Jec-jec: Oo. Uwi na ako. Tinamad na naman kasi ako pumasok eh.

Mae: Wushu. Ikaw talaga. Kamusta pala exam mo kanina? Hirap no?

Jec-jec: Oo nga eh. Hirap nga. Ayoko na pagusapan yun. Hmm, sabay na tayo palabas?

Mae: Sure. :)

---

Si Mae, blockmate ko simula nung mag 2nd year college ako. 1st year pa lang kami, medyo napapansin ko na rin talaga siya. Mabait. Simple lang. Cute. Kahit di niya pa ko kilala dati, nakakangitian ko na rin.

Para sa mga SNM.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon