Si Mae, blockmate ko simula nung mag 2nd year college ako. 1st year pa lang kami, medyo napapansin ko na rin talaga siya. Mabait. Simple lang. Cute. Kahit di niya pa ko kilala dati, nakakangitian ko na rin.
--
Maga-anim na buwan ko na rin palang close si Mae. Pero, kilala ko siya sa mukha simula pa nung 1st year college ako. Naalala ko nga nung mga panahong gustong-gusto ko malaman yung pangalan niya. Yung mga panahong wala akong yellow pad tapos siya yung nagbigay sakin. Yung unang araw na nalaman ko yung pangalan niya. Yung mga unang chat namin. Yung mga similarities namin sa pananaw sa buhay at yung pinagtatalunan namin sa ibang konsepto ng buhay. Ang bilis ng panahon. Dati, gusto ko pa lang malaman yung pangalan niya. Ngayon, gusto ko na siya.
Ibang-iba rin kasi talaga si Mae sa mga babaeng nakilala ko sa University. Bukod sa mabait, naappreciate nya talaga yung mga maliliit na bagay na nagagawa mo sakanya. Maaalalahanin din. At higit sa lahat, isang inspirasyon kung bakit kailangan mong galingan mag-aral.
Tama na nga ang flashbacks. Next time na ulit.
---
Back to Reality
Jec-jec: Mae, pagaling ka ha? Pagdating mo sa bahay niyo. Uminom ka ng tubig tas inom ka gamot. Tapos pahinga ka ah.
Mae: Yes Doc. Oo naman. H'wag mo na ko alalahanin Jec. Okay lang ako.
Jec-jec: Kahit na no. Mas maganda pa rin yung sigurado.
Mae: Thank you Jec. Ang swerte ko naman. Kasi, may nakilala akong katulad mo.
Jec-jec: Naks naman oh. Nagdrama siya. Hahahaha.
Mae: Seryoso naman kasi. Siguro, lahat ng kaibigan mo. Ang swerte swerte. Kasi, may kaibigan silang maaalalahanin, mabait, maaasahan. Lahat lahat na ata nasasayo.
Jec-jec: Grabe ka naman! Hindi kaya lahat nasakin.
Mae: Weh? Pano mo naman nasabi?
Jec-jec: Wala ka pa eh. :') Yieeee.
Mae: Minsan talaga, tinotopak ka. Adik ka talaga. Hahaha.
Jec-jec: Hahahaha. Adik talaga ako. Adik sayo. Boom! Hahaha!
Mae: Hahahaha. Natawa naman ako. Loko-loko. Tara na nga.
Jec-jec: Tara. Dalian na natin. May dadaanan pa kasi ako.
Mae: Ingat ka ah.
Jec-jec: Oo ba. Para sa'yo. :)
Mae: Nice. Naka-tatlo ka sakin ngayon ah.
Both: Hahahahaha.
---
Hinatid ko si Mae hanggang sakayan ng Trike. Wala eh. Gentleman akong tao eh.
(12:30 PM, Jeep)
(1 message received)
Jec, Thank you ah. Napakabait mo talaga. H'wag kang mag-alala. Magpapagaling ako para sa'yo.
-Mae. :)
---
(Message Sent)
Wala yun. Ikaw pa. Ang lakas mo kaya sakin. Inom ka maraming tubig ah! Tas, pahinga na. Text mo ko pagkagising mo ah. Get Well Fast! :) Take Care!
---
(1:30 PM, Bahay)
Jec-jec: I'm home mom! :) Ano ulam? Gutom na'ko.
Mama: Paborito mong dinuguan. Sige, kumain ka na diyan.
Jec-jec: Yehey! Sige!
Jec-jec: Ma, pa'no kung may nagugustuhan kang tao? Pa'no mo ipapadama or ano na lang gagawin mo para maramdaman niyang gusto mo siya?
Mama: Simple lang. Gawin mo lahat ng gusto niya at iwasan ang mga bagay na ayaw niya.
Jec-jec: Ganun? Eh, pa'no kung di ko naman alam?
Mama: Edi alamin mo. Kilalanin mo muna ang isang tao. Kasi, minsan nagkakagusto tayo sa tao. Pero, sa una lang yun. Dapat kasi tanggap mo kung ano talaga o sino talaga siya bago mo sabihing gusto mo na talaga siya. Sa buhay ngayon, kailangan ng tripleng ingat sa mga ganyang bagay.
Jec-jec: Oo nga no? Galing mo talaga Ma! Love you! :) Osiya, matutulog muna ako. Medyo, inaantok pa kasi ako eh.
---
(3:30 PM)
Voice: Jec? Jec? Jec?
Mama: Jec, may tumatawag sa'yo sa labas.
Jec-jec: Haaaaaaaay, anong oras na ba? 3:30 na pala. Baka si Deni yan. Lalabas kasi kami ngayon.
(Lumabas)
Jec-jec: Oh, bakit?
Deni: Tara. laro tayo. May gagawin ka ba?
Jec-jec: Hmm, wala naman. Sige. Tara.
---
(3:45 PM, Computer Shop)
Jec-jec: Palaro po. :)
Voice: Wait lang po.
Jec-jec: Sige po.
Trisha: Kayo pala yan. Wala pa pong bakante eh. Antay na lang po kayo. Kuya Jec, sorry po pala kagabi. Hindi kita nareplyan. Wala po kasi akong load eh.
Jec-jec: Ahy ganun ba? Sige, ayos lang. Wag na Kuya. Jec na lang.
Deni: (Siniko si Jec sa bewang sabay bulong sa likod, Yieeee)
Jec-jec: Aw! Ano ba Deni?
Trisha: Oh? Bakit?
Jec-jec: Ah, wala. Loko lang talaga to si Deni. Anong oras pala magtitime?
Trisha: 30 minutes pa po.
Jec-jec: Tagal pa pala. Sige, antay na lang kami.
Trisha: Sige po. Dun na po muna ako sa PC ko ah. Laro lang po ako.
Jec-jec: Sige lang Trisha. :)
(Habang naglalaro si Trisha)
Jec-jec: Galing talaga oh. Master. Idol.
Trisha: Mas idol kita no. Mas magaling ka kaya dito.
Jec-jec: Laro na lang tayo mamaya oh.
Trisha: Sige ba.
Jec-jec: Sali ka Deni ah.
Deni: Sige lang.
Jec-jec: Tagal pa po ba?
Trisha: 15 minutes pa.
Jec-jec: Ah. Sige.
---
(1 message received)
Good Afternoon Jec, kagigising ko lang po. Medyo okay na po ako. Papasok na rin po ako bukas. Gawa mo? Ingat ka ah. God Bless. :) -Mae.
---
Deni: Uy dre si Mae nagtext. ikaw talaga. May Mae ka na, may Trisha ka pa.
Jec-jec: Sira ka talaga eh no. Loyal ako kay Mae no. Kahit hindi pa kami.
Deni: Sabi mo eh.
---
Trisha: Time na po 4 and 5. Extend pa po ba?
Players: Hindi na po.
Trisha: Sige po.
Trisha: Kuya Jec.
Jec-jec: Jec.
Trisha: Dun na po kayo sa 4 and 5 ni Deni.
Jec-jec: Sige. Thankyou. 1 hour lang kami.
Trisha: Sige po.
---
(After 20 minutes)
Unknown Voice: Hello Trisha! :)
(Itutuloy)
BINABASA MO ANG
Para sa mga SNM.
Teen FictionHindi natin kontrol ang mga nasa paligid natin. Hindi natin alam kung anong mangyayari ngayon, bukas, at sa susunod pang araw. Kung ano man ang meron tayo ngayon ay maaaring wala na bukas. At kung ano man ang wala natin ngayon, ay maaaring meron na...