Sino kaya yung babaeng yun? Kaano-ano niya kaya yung may-ari ng shop? Crush? Hmmm. Pwede na rin. Kaso, mukhang masungit. Ni hindi naman ngumingiti. Pero, ang cute niya ah. :')
Jec-jec. Gising na! Malalate ka na ah? Diba, may exam ka pa ngayon? Nagising ako sa ingay ng bunganga ng nanay ko.
Jec-jec: S***! 7:00 na! Aabot pa ba ko sa exam ngayon? Badtrip talaga! Naglaro pa kasi ako kagabi eh.
Nanay: Sige na, dalian mo na kumilos. Para makarating ka ng 8:00 sa school mo.
Jec-jec: Sige po!
Nagmadali akong kumilos. Syempre, late na ako eh. Re-take pa man din ang exam ko ngayon. Asar! Baka pagdating ko dun 1 hour na lang. Sayang 30 minutes ko.
(Pag-pasok ko sa classroom, 8:30 AM)
Jec-jec: Uy! Tapos na kayo sa re-take quiz?
Classmates: (Nagtinginan) HAHAHAHAHA!
Classmate1: Anong re-take pinagsasabi mo diyan? Bukas pa yun! Thursday pa lang kaya ngayon. Bukas pa yun.
Jec-jec: (S***, Oonga!) Ah, eh, Ay! Oo nga no. Ha-ha.
Classmate2: Semi excited ka Jec ah? Shabu pa? Hahaha!
Jec-jec: Akala ko talaga ngayon na yung exam. Kinabahan pa tuloy ako. Siya nga pala, wala pa tayong prof?
Classmate2: Wala pa. Hindi raw makakapasok.
Jec-jec: Tinamad na naman yun. Lagi namang ganun eh. Kung kelan ako sinisipag, dun siya tatamarin.
Classmate1: Hayaan mo na. Nakakatamad din maglesson.
Jec-jec: Eh, ano pala ginagawa niyo dito?
Classmate1: Wala. Inaantay ka. Labas muna tayo? Dun na tayo tumambay. Para naman medyo mahangin.
Jec-jec: Sige. Tara.
As usual, wala na naman yung professor namin sa economics. Sa totoo lang, nakakatamadnaman talaga pasukan yun. Pa'no ang dami daming kwento sa araw araw. Daming experience. Pero, okay na rin. Wala naman kaming choice.
Jec-jec: Haaaaaaaaaay. Nakakatamad talaga. May re-take quiz pa tayo bukas. So, kailangan ko magreview para bukas. Hay! Nakakatamad. Umo-o pa man din ako kay Deni na maglalaro kami ngayon.
Tan: Diyan ka magaling. Aral-aral din pag may time ah? Kailangan mag stay tayo sa course na'to. Walang sukuan.
Jec-jec: May sinabi ako? Ang sabi ko lang naman, maglalaro kami ng kaibigan ko mamaya.
Tan: FINE. Pero, mag-aral ka ah. Kopyahan tayo bukas. HAHAHA.
Jec-jec: Diyan ka magaling.
(1:30 PM, Art Appreciation Class)
Jec-jec: Tan, ano kayang gagawin ngayon?
Tan: Edi ano pa nga ba? Edi nganga. Mag-aassign ata ng report si maam.
Jec-jec: Haaaay. Di na natapos tapos yang report na yan.
Professor: Good Afternoon. Today, we'll discuss about desires. Of course, kada tao, may iba't ibang desire. Tama? Pero, hindi niyo ba alam na meron tayong mga kagustuhan sa buhay na kailanman hinding hindi natin makukuha. Kahit anong gawin natin eh, hindi talaga.
Jec-jec: (Napaisip, Tama nga naman si maam. Minsan talaga may nasasabi rin tong maganda eh)
Professor: Mr. Jec-jec, ano ba para sa'yo ang salitang desire?
Jec-jec: Hmmm. Ahhhh. Ehhhh. Maam, may punto naman po talaga kayo sa sinabi niyo kanina. Pero, In addition sa mga sinabi niyo po, feeling ko po ang desire eh yun yung gusto mo talaga at kaya mong gawin lahat. Makuha mo lang yung kagustuhan mo na yun.
Professor: Great. Tama. Pero, lagi mong tandaan. Hindi lahat ng pinaghihirapan mo ay makukuha mo. Dapat may limitasyon ka.
Jec-jec: Yes maam.
As usual, early dismissal. Lagi namang ganun eh. 2 hours allotted time para sa discussion niya. Pero, after 30 minutes, dismissed na.
Tan: Jec, Review ka ah!
Jec-jec: Oo na. Pero, lalaro muna ako. Text kita pag rereview na ako. :)
Tan: Sige! :)
Uwian na. Syempre, byahe ako ng isang oras bago makauwi. Pagkauwi, pupuntahan ko si Deni para maglaro sa bagong shop malapit sa'min.
(4:30 PM, Bahay)
Mama: Oh? San ka na naman pupunta? Kauuwi lang eh. Ano nangyari sa exam niyo?
Jec-jec: Mamaya na ko magkkwento ma. Bye!
(4:45 PM, Tapat ng bahay nila Deni)
Jec-jec: Deni? Deni?
(Binuksan pinto)
Mama ni Deni: Ay. Umalis. Naglaro ata sa computeran.
Jec-jec: Ay. Sige po. Salamat.
Tignan mo talaga tong si Deni. Nang-iwan na naman. Makapunta na nga lang.
(5:00 PM, Shop)
Jec-jec: (Binatukan si Deni) P*tcha. Nauna ka na naman dito. Di man lang nag-antay. Sus!
Deni: Sorry. Hahaha. Tinamad ako sa bahay eh. Tara. Laro tayo.
Jec-jec: Ge. Sino ba yung bantay?
Deni: Yun oh. (Sabay kindat)
Jec-jec: Wew.
Jec-jec: Ate, palaro po.
Ate: Sige. Upo ka na lang.
Jec-jec: Dito na lang po ako. Katabi nito.
Ate: Sige.
Deni: Yieeeeeeeee. Ikaw ah. Diskarte moves ka kaagad ah.
Jec-jec: Siraulo ka ba?! Syempre maglalaro ako no!
Deni: Sus. Kaya ka lang naman nagpunta dito para makita siya eh.
Jec-jec: Oo na lang. Para happy ka.
Deni: Tara. Laro tayo. Sali kaya natin si Ate? Naglalaro rin yun eh. Master yan dito eh. Galing kasi.
Jec-jec: Edi isali mo. Ang sungit sungit naman. Hindi man lang ngumingiti.
Deni: Ate, sali ka? Laro po tayong tatlo.
Ate: Sige. Teka. Login lang ako ah.
Deni: Sige po.
Naglaro kaming tatlo. Nag-enjoy naman ako. Tawanan, asaran, at kampihan ang nangyari sa laro namin. Masaya rin. Lalo na, natalo ko yung master na yun.
Ate: Ma, ang galing niya. Idol. Hindi na ata ako master dito.
Jec-jec: Haha. ^_^ Ito po yung bayad namin.
Habang nagbabayad, nakita ko yung FB ni Ate. Trisha ang pangalan niya.
(7:30 PM, bahay)
Pagkauwi ko. Nalimutan ko na na may quiz ako bukas. Hinanap ko agad yung FB ni Ate sa shop.
*I-aadd ko ba? Hmmm. Sige na nga!
(7:40 PM)
Trisha accepted your friend request.
Jec-jec: Yes! Inaccept niya ko. Chat ko kaya? hmmm, ano sasabihin ko? Hello? Musta? Eh, di naman kami close eh. Pero, sayang naman! Online eh. Sige na nga. Chat ko na.
CHAT.
Jec-jec: Hello. Thank you pala sa game kanina.
Ate: Hi. Welcome po kuya jec?
Jec-jec: (Ano pa kaya sasabihin ko dito)
Trisha is typing...
Trisha: Out po muna ako. Kakain na po kasi kami eh. Bye! Thank you din :)
BINABASA MO ANG
Para sa mga SNM.
Teen FictionHindi natin kontrol ang mga nasa paligid natin. Hindi natin alam kung anong mangyayari ngayon, bukas, at sa susunod pang araw. Kung ano man ang meron tayo ngayon ay maaaring wala na bukas. At kung ano man ang wala natin ngayon, ay maaaring meron na...