Jec?
Tan? O, ikaw pala yan. Anong ginagawa mo dito?
--
Tan: Kasama ko family ko. Humiwalay lang ako saglit. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? May hinihintay ka ba?
Jec-jec: Actually meron eh. Si Mae.
Tan: Si Mae?! Jec, may kailangan ka malaman eh.
Jec-jec: Ha? Kailangan malaman? Ano?
Tan: Ito oh. (Inabot ang isang papel)
Jec-jec: Kanino to galing?
Tan: Kay Mae. Ibigay ko raw sa'yo once na nagkita tayo.
Jec-jec: Salamat Tan. (Binuksan)
--
Hello Jec,
Ang daya mo naman eh. Hindi ka pa pumasok ngayon. Akala ko pa man din makakausap kita bago man lang ako umalis ng Pilipinas. Oo jec, aalis ako. Sorry ha? Late ko na nasabi sa'yo. Biglaan lang kasi eh. Dun na rin ako mag-aaral. Dun ko na ipagpapatuloy yung pag-aaral ko. Sorry kung hindi ko nasabi agad ah? Pero sana, once na mabasa mo 'to. H'wag kang malulungkot. Kasi, babalik naman ako eh. Hindi man sure kung kelan. Atleast babalik ako. Nga pala, mamaya na yung flight ko. 11:00 PM daw.
Salamat pala Jec ah? Kasi nang dahil sa'yo, nalaman ko na mahalaga ako sa mundong 'to. Salamat sa sobrang kabaitan mo, sa sobrang pag-alala mo, sa sobrang kulit mo. Kung may mamimiss man ako dito sa Pilipinas, yun yung mga panahong nagtatawanan tayo dahil sa mga quizzes at exams sa accounting at lalong lalo na yung kakulitan mo sa school.
Honestly, mamimiss kita, mamimiss ko kayong lahat. Sino ba namang hindi makakamiss sa matalino, talented, at napakakulit na katulad mo? Di ba? :D Salamat ulit Jec ah! :) Ingat ka diyan. :) Magkikita rin tayo ulit. Promise. Good Bye Jec. :) See you soon! Take Care! :)
-Mae.
--
Huminto ang mundo ko. Parang babagsak ang luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilang maging emosyonal. Hindi ko alam ang gagawin. Parang nawindang ako sa mga nabasa ko. Nalungkot ako.
Jec-jec: Tan... Bakit?
Tan: Oo. Aalis si Mae. May problema kasi siya sa family niya. Matagal na yun eh. Pero, biglaan ang alis niya. Bakit ka ba kasi hindi nakapasok? Alam mo bang, hinihintay ka ni Mae sa Maligaya Village kahapon?
Jec-jec: Ang malas ko. Yung last day ni Mae sa Pinas, dun pa ko nagkasakit. Dun pa ko hindi makagalaw. Ang malas. Ang malas malas.
Tan: Jec, okay lang yan.
Jec-jec: Hindi ko alam Tan. Hindi ko alam.
Tan: Sige na Jec. Aalis na ko. Baka hinahanap na rin ako eh. Umuwi ka na rin. H'wag ka masyadong magdamdam ah. Ayos lang yan.
Jec-jec: Salamat Tan ah. Maraming Salamat.
--
Umalis na si Tan. Hindi ko maiwasang maging malungkot sa mga nabasa ko. Gusto kong ibalik yung kahapon. Atleast, kahit sobrang sama ng pakiramdam ko papasok pa rin ako. Parang tinanggal yung bituka, puso at laman loob ko. Nakakapanghina.
Pa'no ako papasok sa isang araw kung wala na yung dahilan kung bakit gustong-gusto ko pumasok? Pa'no ko papasa sa mga quizzes kung yung babaeng inspirasyon ko bawat quiz, wala na? Pa'no na? Pa'no?
(Itutuloy)
BINABASA MO ANG
Para sa mga SNM.
Genç KurguHindi natin kontrol ang mga nasa paligid natin. Hindi natin alam kung anong mangyayari ngayon, bukas, at sa susunod pang araw. Kung ano man ang meron tayo ngayon ay maaaring wala na bukas. At kung ano man ang wala natin ngayon, ay maaaring meron na...