(After 20 minutes)
Unknown Voice: Hello Trisha! :)
Trisha: Hi Angelo. Kamusta ka na? Magaling ka na ba?
Jec-jec: Deni, Sino yun?
Deni: Uuuuuy, selos siya. Si Angelo. Boyfriend ata ni Trisha.
Jec-jec: Ah ganun ba?
Trisha: (Pasigaw) Kuya Jec, kayo muna laro ah. Quit po muna ako.
Jec-jec: (Pasigaw) Sige! :)
Deni: Okay lang yan Jec.
Jec-jec: Baliw to. Ano ba meron? Wala naman. Adik.
Deni: Sus. Crush mo si Trisha eh. Ramdam ko.
Jec-jec; Asa ka naman no. H'wag ka ngang maingay diyan. May makarinig pa sa'yo.
Deni: Yieeeeeeeeee.
Jec-jec: Wew.
(After 2 hours)
Jec-jec: Out na tayo Deni. Sakit na ng mata ko.
Deni: Tara. Tambay na lang muna tayo.
Jec-jec; Sigesige.
---
(6:30 PM, clubhouse)
Jec-jec: Dahil sa kalalaro natin. Nakalimutan kong replyan si Mae. 15 messages na pala natanggap ko galing sakanya. Baka nainis na to kakaantay sakin.
Deni: Ayos lang yan. Diyan pa naman si Trisha eh. Hahaha.
Jec-jec: Tigil-tigilan mo nga ko sa kaka-Trisha mo ah. Nakita mong may boyfriend yung tao eh. Tsk.
Deni: Oh easy ka lang.
Jec-jec: Uwi na lang tayo. Nakakatamad tumambay. Dalawa lang tayo.
Deni: Tinatamad pa ko umuwi eh. Pero, sige na nga.
---
(7:00 PM, Bahay nila Jec)
Mae, Sorry ah. Di ako nakareply. Nasa shop kasi ako kanina eh. Buti naman okay ka na. See you tomorrow Mae! God Bless you. >:D<
Sinend ko ng sampung beses 'to. Kaso, walang reply. Alam ko naman na medyo na-enjoy ko masyado yung laro namin kanina. Actually, hindi nga eh. Saglit lang kasi namin nakalaro si Trisha. Natutuwa ako makipaglaro dun. Kung sabagay, rare lang kasi yung mga babaeng nahihilig sa mga computer games. Tulad ni Mae, sobrang focus sa studies. Pero, wala naman sakin yun. Basta ang alam ko, sobrang mahal ko si Mae. Sobrang attracted ako sakanya. Kasi, wala siyang arte sa buhay at sobrang bait pa.
Nag-antay ako ng text galing kay Mae. Kaso, wala akong nareceive. Kumain, Naghilamos, Nanood ng TV. Lahat na ginawa ko. Kaso, wala talaga siyang text that time. Kung sabagay, baka nagpapahinga na siya. Sana naman, hindi siya nagtampo sakin. Magkikita naman kami bukas eh. Kaya, ayos lang yon. Itetext ko na lang siya ulit.
(8:30 PM)
Good Night Mae. Sorry ulit ah? Kasi, hindi kita nareplyan kanina. Sorry talaga. Alam ko, tulog ka na ngayon. See you na lang bukas ah? :) God Bless. Sweetdreams Mae! :)
---
Sa text kong yon, hindi pa rin masasabing okay ako. Kasi, baka mamaya nagtampo na siya sakin. Ayaw ko pa man din yung ganun. Turn-off. Pero, kasalanan ko rin naman eh at maiintindihan ko yun kung magtatampo siya o magagalit.
Kahit hindi pa kami, palagi na ring nandiyan si Mae para sakin. Parang ang dami ng nangyari. Parang ang tagal na namin magkakilala. Kaya sana, sa araw na magpropose ako sakanya. Tanggapin niya. Yun nga lang, nauuna kasi yung takot ko eh. Yung parang lalabas yung bituka ko. Ay grabe talaga.
---
(9:00 PM)
Matutulog na'ko. Medyo maaga ngayon. May pasok pa kasi bukas eh. Sana bukas, okay na okay na si Mae. Kasi, bukas yung araw na gusto ko magpropose. Kaya sana okay na siya. SANA.
---
(If I lay here, If I just lay here, would you lie with me and just forget the world)
(1 message received)
(Itutuloy)
BINABASA MO ANG
Para sa mga SNM.
Teen FictionHindi natin kontrol ang mga nasa paligid natin. Hindi natin alam kung anong mangyayari ngayon, bukas, at sa susunod pang araw. Kung ano man ang meron tayo ngayon ay maaaring wala na bukas. At kung ano man ang wala natin ngayon, ay maaaring meron na...