Chapter 2.0: The Goodbye.

51 4 5
                                    

Sa buhay ng tao may dumadating, may umaalis, may nananatili, may nagbabago. Maraming propisiya sa buhay na makakarelate tayo. Minsan, tinatamaan na nga. Todo deny pa? Nakakaloka naman ang buhay kasi. Hindi ko maintindihan kung ano minsan ang nangyayari na. Isa pa si kupido, napakashunga mang-target ng puso. Bituka pa ata ang laging natatamaan. 

Simple lang akong babae. Badminton ang sports ko. Buwis buhay kung mag-aral. Talagang sunugan ng kilay. Kaloka. Wala eh? Accounting course eh? Nakakastress. Ayaw ko tong course na 'to eh. Buti na lang nakasurvive ng isang taon. Kaloka. Numbers kasi. Nakakahilo. Naalala ko nung algebra, ang harot ng numbers sinamahan pa ng alphabets. Kaloka no! Sa memorization ako magaling. Ang lawak ata ng storage ng utak ko. Mabait ako sa mabait. Nakaka-appreciate ng efforts ng tao. Maintindihin. Matampuhin. Maganda. Chubby. Ako pala si Mae. At sakin ata binigay ng author ang chapter na'to.

--

7:30 na ng umaga sa orasan ko. Wala pa rin si Jec. Kamusta naman yung lalaking yun? Talaga namang nakakapanginit ng dugo. Buti na lang walang prof. Kasi mukhang late na naman siya. Lagi naman eh. Tamad kasi pumasok. Pero, matalino siya ah.

Si Jec-jec, isang simpleng lalaki. Parehas kami ng sports, matalino, kahit hindi palareview, taas ng nakukuha sa exams. Napakamamaw sa math. Sweet, Masayahin, kaso minsan lakas man-ignore. Pero, okay lang yun.

Una palang, ramdam ko ng may gusto sakin 'tong si Jec. Ganda ko eh! Pero syempre, kunwari hindi ko alam. Pa-ignorante effect ang lola mo ano? Ganyan talaga buhay. Para naman di halata ng kuya mo. Hahaha. 

Madalas ako unang magtext sakanya. Minsan di ka pa rereplyan. Ewan ko ba dun. Nakakaloka yung taong yun. Pero, okay lang. Atleast, sweet. Haha!

Art appreciation class namin, nagdiscuss about desires yung prof namin. Napakaboring. Pero, ang ganda ng mga pinagsasabi niya. Pero, may tumaga sa isipan ko. Yung desire daw yun daw yung talagang gustong gusto mo at kaya mong gawin lahat para lang makuha yung bagay na yun. Well, sino pa ba ang magsasabi nun? Kundi si jec-jec. Talino talaga. 

--

Exam namin bukas sa Accounting. As usual, subsob na naman ako sa tatlong libro ko. Libro ni Valix, ni Valencia at tsaka yung Prac. Nakakaloka talaga ang mga transactions. Nakakastress. Woooo! 55% lang ang nakuha ko sa first take namin. Kailangan ko bumawi sa re-take. Nakakaloka. Panira talaga ng grade ko ang accounting ever since. 

--

(Kinabukasan)

Ang sama pa ng pakiramdam ko. Kung mamalasin ka nga naman. Dala siguro to ng puyat at stress sa buhay. Haaay. Ayoko mang pumasok, pero kailangan. Retake ng quiz eh. Makabangon na nga.

School, 7:15 AM

Mae: Lea, nakapagaral ka? Ang hirap talaga! Nakakalokang accounting to. Ayoko na. Grabe talaga.

Lea: Kaya nga eh. Nawawalan na ko ng pag-asa. Haaay.

Mae: Idagdag mo pa yung mga problema sa buhay. At itong sama ng pakiramdam ko! >.<

Lea: Sya nga pala, balita ko parang naffriend-zone mo raw si Jec ah. 

Mae: Uy! Ang hard mo naman te. Hindi naman. Ayoko lang magpahalata na medyo nagugustuhan ko na rin siya. Sobrang effort naman kasi eh. 

Lea: Eh, anong balak mo?

Mae: Balak ko? Edi mageexam. Hahaha! Shunga ka talaga eh no? Ayan na prof natin. Tara na.

(After exam)

Mae: Hay nako. Ang hirap talaga ng exam Lea no? 

Lea: Hay, walang kupas yung prof natin na yun. Stressed!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para sa mga SNM.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon