(1 message received)
Isang mensahe ang bumungad sa paggising ko. Hindi ako makakilos. Ang sama ng pakiramdam ko. Nilalagnat ako. Awww. Hindi ako makabangon. Pa'no na yan? May pasok ako ngayon.
--
Mama: Jec, H'wag ka ng pumasok. Ang taas ng lagnat mo. 38.5 degrees. H'wag ka kasing magpakapagod.
Jec-jec: Maaga na nga ko umuwi kagabi eh. Aahhh, ang sakit ng katawan ko.
Mama: Magpahinga ka na lang diyan ah. Bibilhan kita ng makakain mamaya.
Jec-jec: Sige po ma. Thank you.
--
Anong nangyayari? Kailangan ko pumasok. Ayoko dito. Sabado pa man din bukas. Hindi kami magkikita ni Mae. Kailangan ko bumangon para sa kanya. Ano ba katawan!? Bakit ngayon pa? Ang malas naman oh.
--
(School)
Mae: Tan, asan si Jec?
Tan: Mae, hindi ko rin alam eh. Di nga nagsabi sakin na hindi siya papasok eh.
Mae: Ganun ba? Grabe naman. Hindi na nga niya ko tinext kahapon. Hindi pa siya pumasok. Sige Tan. Paki-abot na lang sakanya to.
Tan: Sige Mae. Ako na bahala dito.
--
(Jec-jec)
Ano na kayang nangyayari sa school? Ang malas ko naman ngayon. Kahapon, si Mae may sakit. Ako naman ngayon. Nakakainis! Ngayon ang araw na magpropropose ako kay Mae e. Bakit ngayon pa?! Bakit?!
--
Nakatulog pala ko. Medyo nahihilo pa ko. 12:30 PM na rin pala. Mag-lulunch na sigurado. Punta kaya ako sa shop? Kaso, wala naman akong kasama. Tsaka, medyo masama pa pakiramdam ko. Ay. Alam ko na. Facebook na lang muna ako.
--
(Facebook)
Hi Kuya Jec! :) Wala kang pasok?
Uy, Trisha. Ikaw pala. Meron. Hindi ako pumasok eh.
Ay ganun? Bakit naman?
Masama kasi pakiramdam ko kanina. Sobra. 38.5 degrees daw lagnat ko.
Okay ka na ba ngayon? Pagaling ka po ah. Inom ka tubig. Maraming marami.
Okay naman na. Thank You Trisha! :)
Wala po yun Kuya Jec.
Jec* please. :P
Okay po Jec. :) Hindi kasi ako sanay eh. Sorry. :)
Okay lang. Masasanay ka rin.
Jec, sorry pala kahapon ah. Hindi na tayo nakalaro.
Okay lang yung Trish. :) Ano ka ba? :)
Thankyou. Mamaya, laro tayo ah. Pupunta ka ba dito?
Hmmm. Di ko pa sure eh. Depende pag kaya.
Ay... Wag na lang. Pagaling ka na lang po. Sabado naman bukas. Wala ka naman sigurong pasok no? :)
Wala naman. Osige, bukas na lang hah. :)
Sige po Jec. :D
Oh, teka. AFK lang muna ako saglit ah? Kakain na kasi kami.
Sige po Jec. :D Eatwell! :D
--
(1 message received)
Oo nga pala. Hindi ko pa pala nabubuksan 'tong text na'to. Kagabi pa 'to. Basahin ko nga.
Jec, Okay lang yun sakin. Pasensya ka na kung marami akong text sa'yo. Bukas pala, agahan mo pumasok. 7:00. Magkita tayo sa Maligaya Village. Dun pa rin sa dati. May gusto akong linawin. 'Pag di ka pumunta. Ibig sabihin, di ka interesado. Salamat. Goodnight. God Bless. :)
---
Aw. Mae. :( Sorry. Epic Fail na naman ako para sakanya. Lalo na ngayon. Itetext ko nga si Mae.
Mae, Hindi ako nakapasok ngayon. Ang taas kasi ng lagnat ko e. Sorry. Ano ba yung gusto mong linawin? Hindi naman sa hindi ako interesado, sobrang sama lang talaga ng pakiramdam ko. Sorry. Babawi ako. Promise. -Jec.
---
Binitawan ko na ang phone ko. Humiga ako. Nakatulog ako. Pagkagising ko, 11:00 na ng gabi. Madilim. Tahimik. Bukod sa ikot ng elesi ng electricfan, hininga ko lang ang naririnig ko. Tinignan ko agad ang cellphone ko. Nagulat ako sa nakita ko.
(Message Sending Failed)
(Itutuloy)
BINABASA MO ANG
Para sa mga SNM.
Teen FictionHindi natin kontrol ang mga nasa paligid natin. Hindi natin alam kung anong mangyayari ngayon, bukas, at sa susunod pang araw. Kung ano man ang meron tayo ngayon ay maaaring wala na bukas. At kung ano man ang wala natin ngayon, ay maaaring meron na...