Chapter 1.9: The new beginning

39 3 1
                                    

Umalis na si Tan. Hindi ko maiwasang maging malungkot sa mga nabasa ko. Gusto kong ibalik yung kahapon. Atleast, kahit sobrang sama ng pakiramdam ko papasok pa rin ako. Parang tinanggal yung bituka, puso at laman loob ko. Nakakapanghina. 

Pa'no ako papasok sa isang araw kung wala na yung dahilan kung bakit gustong-gusto ko pumasok? Pa'no ko papasa sa mga quizzes kung yung babaeng inspirasyon ko bawat quiz, wala na? Pa'no na? Pa'no?

--

Unang araw na wala si Mae. Medyo nakakalungkot. Wala na yung good morning na text sa umaga. Yung kain ka na. Yung ingat ka sa buong araw. Wala eh. Ganun talaga. Nothing is permanent in this world. Lahat ng nageexist ngayon, pwedeng mawala na bukas. Kaya dapat talaga, pinahahalagahan mo kung ano man ang meron ka ngayon. Kung tutuusin, hindi naman talaga kami ni Mae. Kumportable lang talaga ako pag nakakasama ko siya. 

'Pag naaalala ko talaga yung araw na napakamalas ko. Hay nako, naiinis ako sa sarili ko. Yung fail messages, yung nagkasakit ako, yung mga araw na hindi ko siya nireplyan. Nakakapangsisi kaya. Pero, wala eh. Ganun siguro talaga. Tinadhana siguro talaga ng panahon. May dahilan naman kung bakit nangyayari 'to eh. Sasanayin ko na lang siguro ang sarili ko. :)

--

(Lunes, 6:00 AM)

Jec-jec: Good Morning Ma! :) Ano ulam natin? Papasok na ako! :) 

Mama: Oh, mukhang good mood na good mood ka ngayon anak ah?

Jec-jec: Kailangan eh. Panibagong yugto ng buhay ko ngayon.

Mama: Ha? Kumain ka na nga diyan.

--

Ang saya ko no? Ganun talaga. Bagong yugto ng buhay ko ngayon eh. Dapat hindi ako masyadong affected sa pag-alis ni Mae. Kailangan life must go on. Naks! English yan ah. Pero totoo naman. Naniniwala ako na darating din ang panahon. Malalaman ko ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat. 

O'sya papasok na ako ha? Saka ko na kayo ulit kkwentuhan. Hindi porket umalis si Mae ng Pinas. Eh, tapos na ang storya ng buhay ko. Hindi ah! Malaking hindi. Dito pa lang kasi nagsisimula lahat eh. Well, kaya ko 'to. Ako pa? The best kaya ako. Sabi niya. =))

Siguro sa kwento ng buhay ko. Goodbye muna kay Mae. Tapos, Hello sa panibagong buhay ko. Pero, kahit papano, umaasa ako na sa pagbalik niya. Walang magbabago. Umaasa akong sa pagbalik niya, pag nagpropose ako. Papayag siya. Kaya kailangan maging matatag ako. Para pag balik niya, nandito pa rin ako. 

(Itutuloy)

Para sa mga SNM.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon